Chapter 26

14 0 0
                                    

Liz's Pov

Kahit di ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip sa mga pinagsasabi sa akin ni Auntie Fe ay maaga pa rin akong bumangon. Tiningnan ko si Auntie Gem na mahimbing na natutulog sa tabi ko at halatang pagod sa trabaho.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago ko nilabas ang mga lulutuin. Hindi muna ako papasok sa restaurant ngayon kasi gusto kong makausap ng masinsinan si Auntie Gem. Bahala na kung magalit si Auntie Fe sa akin, ang mahalaga ay hindi ako mapapauwi ni Tatay dahil sa walang kwentang trabaho na napasukan ko dito sa manila.

Naka ready na ang pagkain sa mesa ng unang bumaba si Uncle Mau.

"Aga mo magising ah! Ano oras ba ang pasok mo?" tanong nya habang naglakad diretso sa lababo.

"Hindi muna ako papasok Uncle Mau. Kakausapin ko muna si Auntie Gem kasi gusto kong lumipat ng mapasukan."

"Saan mo naman balak pumasok?"

"Sa Fair Center sa Sta. Cruz. Tutulungan ako ng kaibigan ko."

"Anong trabaho?"

"Depende. Cashier or Saleslady. Mas okay daw doon kasi minimum ang pasweldo." eto ang unang beses na nakipag usap ako kay Uncle Mau ng matagal.

Pumunta sya mesa at tiningnan ang mga pagkain.

"Marunong ka pala magluto." puna nya sa mga nakahain sa mesa.

"Medyo lang. Natuto ako nung umalis ka sa bahay." napangiti ako sa kanya.

"Dapat lang na matuto ka sa pagluto, para pagmalayo ka sa mga magulang mo, kaya mo ng mabuhay mag isa." payo nya.

Tama naman sya. Noong nakatira pa kasi sya sa bahay namin at sabay kami nag aaral, si Uncle Mau ang nakatoka sa pagluluto dahil busy kami ni nanay sa pagtatahi ng mga wedding gowns.

Masarap magluto si Uncle Mau lalo pagdating sa pagprito ng isda at pag gawa ng sabaw. Masarap sya magtimpla ng ulam kahit na simpleng luto lang.

Abala ako sa paglilinis ng mga pinag gamitan kong plato sa pagluluto kanina kaya di ko na napansin ang paglabas ni Uncle Mau sa kusina.

Sinilip ko sya sa sala at nakita ko syang nanonood ng tv. Dating gawi, nakataas ang paa sa mesa, may hawak hawak na pagkain at ang kabilang kamay ay may hawak na malaking tasa na puno ng kape.

Maayos kong nilagay sa lagayan ng mga plato ang pinaghugasan ko. Hindi naman nagtagal at bumaba na si Auntie Gem.

Kahit na magulo ang mahaba at makintab nyang itim na buhok ay kita pa rin ang taglay na ganda ng auntie ko. Sa pitong magkapatid ng tatay ko ay sya ang pinakamaganda. Nakuha na yata ni Auntie Gem ang lahat ng katangian ng isang Espanyol maliban lang sa ilong. Si Lolo kasi purong Spanish at si Lola naman tubong Eta kaya ayun, lahat kami pango ang ilong, ang lakas talaga ng dugo ni Lola pagdating sa ilong. Nakakatuwa nga ang love story nila ng minsan nagkwento si Lolo at Lola kung papano sila na inlove sa isa't isa sa kasagsagan ng world war 2.

"Liz, ang aga mo magising ah, ano oas ba ang pasok mo ngayon?" sabi ni Auntie Gem na kinukusot kusot pa ang mga mata.

"Auntie, baka hindi muna ako papasok ngayon. May kailangan lang akong ayusin." pagdadahilan ko.

"Ah, okay?" yung lang ang sagot ni Aunte Gem at dire-diretso na sya sa lababo at naghilamos at toothbrush.

"Mau, dumating ba si Fe? Ang sabi nya sa akin dito daw sya matutulog ngayong gabi." tanong ni Auntie Gem kay Uncle Mau habang nagpupunas ng mukha gamit ang tissue towel.

"Tulog pa!" walang kalatoy latoy nyang sagot habang nakatutok ang mata sa tv.

"Gisingin mo nga. Alas dyes na tulog pa rin?" hinila ni Auntie Gem ang isang upuan at pumwesto na sa dining table.

Simpleng PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon