Unexpected 02

19.2K 591 8
                                    

Chapter #2

Alvin's Pov:

Maaga ako nagising , gabi na nga natulog eh, naghilamos at nagtoothbrush nako, pagkatapos bumaba na.

"Manang good morning po" bati ko sa kay manang.

"Magandang umaga din Alvin, halika na at kumain ka na" sagot nya.

"Sige po" umupo nako at kumain na, pag kasi weekend 10:00am na gumigising yang si channel bumabawi kumbaga.

Naalala ko yung kagabi sa date namin ni Mia .

•FLASHBACK•

Pagkahatid ko kay Channel sa bahay, umalis na agad ako para sunduin si Mia sa bahay nila, may date kasi kami ngayon, 8'th Monthsary namin, grabe nga eh parang kelan lang naging kami.

After a minutes nakarating din ako, nagdoorbell nako, lumabas naman agad sya, ang ganda ganda nya talaga, na kared dress sya tapos ang sexy tignan, yinakap ko agad sya, 1 week na din kasi kami di nagkikita .

"Happy Monthsary babe" excited kong tugon.

"Happy Monthsary din" mahinang sagot nya.

Bakit parang hindi sya masaya?

"May problema ba Mia?" alala kong sagot.

"None, im fine, let's go" sagot nya habang nakangiti, yun bang parang pilit.

Nakangiti sya pero kita ko ang lungkot sa mga mata nya, 1 week lang kami di nagkita, ganito na agad. Nang makarating sa resto, tinignan ko sya ganon padin sya.

Binigyan kami ng menu nung waiter.

"Ah babe ano gusto mo?" tanong ko sabay abot ng menu sa kanya.

"Anything babe" tipid nitong sagot.

Dalawang order ng carbonara at salad nalang yung pinili ko, kasi alam kong ito yung favorite nya. Binaling ko ulit yung tingin sa kanya, busy na sya sa phone nya.

Pagkadating ng order namin kumain na kami.

Habang kumakain biglang nagvibrate ang phone nya.

Pareho kaming napatingin sa phone nya na ng vivibrate sa mesa, may tumatawag, pagtingin ko sa kanya nagtama yung mga mata namin tapos agad nyang nireject yung tumatawag . 

"Ah babe? Sino yun?" pag-uusisa ko.

"Nothing babe katrabaho ko lang" sagot nya.

"Bakit di mo sinagot baka importante?" tanong ko.

"Ayokong masira yung date natin" sagot nya at tumingin sakin tapos ngumiti.

Ewan ko pero lalo akong naiinlove sa kanya.

"Salamat babe, happy 8'th monthsary ulit" sabe ko pa.

After 30 minutes na pagkain, nagyaya na syang umuwi, pagod daw kasi sya, may ginawa ba kaming kapagod pagod? sinunod ko nalang sya, eto yung tanging date na di kami nakapag enjoy, dapat kasi papasyal pa kami, eh kaso sabi nya kumain nalang kami kasi gabi na, ang cold nya din ngayon. Di ko namalayan na malapit na pala kami sa bahay nila, grabe nawala nako sa katinuan kakaisip .Pagkadating namin sa tapat ng bahay nila, hinawakan ko yung kamay nya .

"Thanks babe , i love you" sabi ko.

Ngumiti lang sya, di man lang sya nagreact at sumagot.

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon