Chapter #20
Gino's Pov:
Nagulat ako sa pinakita ni Channel bakit sya umiiyak na nakatingin sakin? bakit sya tumakbo palabas? dahil ba sakin kaya sya umiiyak dahil ba sa inasal ko pero bakit? Hindi ko alam pero napako ako sa kinauupuan ko dito hindi ko alam ang gagawin ko, kita ko namang agad sumunod si Cindy sa kanya.
Cindy's Pov:
Hindi ako makapaniwala na may feelings pala talaga si Chan kay Gino kasi ang pagkakaalam ko galit na sya dito at wala ng pakialam, hindi ako pwede magkamali, umiyak sya dahil sa inasal ni Gino kaya alam ko may ibig sabihin yun, agad agad ko naman syang sinundan kung san sya pupunta, agad syang pumasok sa restroom. Syempre sumunod ako para icomfort sya.
"Chan, bakit?" mahinahong tanong ko habang hinahaplos ang likod nya.
Tinignan nya lang ako at bumalik ang tingin sa salamin. Kitang kita ko yung sakit na nararamdaman nya, naiiyak ako dahil sa kanya nadadala nya ko.
"Cindy, gusto ko munang mapag-isa" sabi nya then pumasok sa isang cubicle ng cr.
Wala naman akong nagawa kundi hayaan muna sya, nagdecide nalang akong bumalik sa room.
Pagkabalik ko sa room nandun na pala ang next teacher namin.
"Why are you late Ms.Gomez?" tanong nya sakin.
"Ah eh sorry po galing po kong cr" mahinahong sagot ko, alangan naman gayanin ko ang attitude ni Gino, eeww never! siguro kapag pumuti na yung uwak pwede pa.
"Hmm, ok take your seat" sagot nya.
Ngumiti nalang ako at umupo,tinignan ko ng matalim si Gino na nagsasabing *Humanda-ka-sakin-gago-ka* . Kita ko namang nagulat sya sa inasal ko.
Channel's Pov:
Ang hina ko ang hina hina ko, nangako nako sa sarili kong hindi nako iiyak dahil sa kanya, na wala na akong pake sa kanya, pero bakit ako nasasaktan na ganon sya dahil ba nasanay nakong mukang santo sya pag kaharap ako? na ang bait bait nya sakin. Masyado ba kong naniwala sa kanya o masyado lang akong nag assume kasi sa totoo naman, talagang ganon sya. First time ko syang nakasama sa room, ganon ba ang attitude nya sa room06 ? ganon ba sya sa mga teachers mabait lang ba sya sakin pero sa iba masama sya?
Naramdaman kong huminahon na yung sarili ko tumayo ako ng maayos at inayos ang sarili pagkatapos lumabas nako at muling humarap sa salamin.
"Channel diba masaya kana kasi malaya kana ulit na magagawa mo na ulit gusto mo, kasi wala ng Gino na umaaligid sayo pero bat ganyan ka ngayon, diba wala ka na dapat pakialam sa kanya" sabi ko sa sarili at muling napaiyak.
Lorraine's Pov:
So kung naaalala nyo pako sa chapter#01 lang ako nabanggit pero hindi gumanap. So I'm Lorraine Velasquez ang ex girlfriend ni Gino Santiago, alam kong marami nadin syang naging ex but im sure na sakin lang sya nagseryoso at ngayon babalik nako para bawiin ang nasimulan namin, nagpunta kasi ako sa States 2yrs. ago dahil ni daddy kaya nagkalayo kami ni Gino. And now babawiin ko na sya kay Channel Assunsion ang panget na bago ni Gino, kalat na kalat na sa buong school ang dalawa. Nagtransfer nako dito ng hindi alam ni Gino, nakakairita lang mga nasa paligid ko puro nalang Gino. May mga nagsasabi namang wala na daw si Gino at Channel na yun, so thats great kung ganon, pero yung iba sinasabeng MU ang dalawa, duhh! arte naman ng Channel na yun feeler! hehh! so nagshuffle ang school para daw sa x-mas party buti abot pako. So sa section#01 dapat ako kasi yah matalino ako, at napag alaman kong nandun pala yung Channel. Pero dahil nga sa shuffle na paarte nila sa section#06 ako napunta. Pwee sama sa ears! Pero ayos nadin this december lang naman at babalik nako sa dapat kong kalagyan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)
Genç KurguUN-expected LOVE Story.. Saan nga ba nagsisimula ang pag-ibig? Kailan nga ba natin ito nararamdaman? O kailan nga ba ito dadating? Marami tayong tanong tungkol sa pag-ibig na napakahirap sagutin, minsan pa nga masasabi mo sa sarili mo na, IMPOSIBLE...