"Sabi nila ang pag-ibig daw hindi hinahanap dahil kusang dumarating, ang mga hindi inaasahan ay siya pang nangyayari, at ang mga hindi inaakala ang siyang nagaganap, ibig sabihin pala ang pag-ibig ay parang buhay natin, napakagulo pero naaayos."
•channel
Chapter #1
Channel's Pov :
Friday na naman, dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at tumambad sakin ang napakaganda kong kisame na punong puno ng maaaliwalas na disenyong bulalak, inunat ko ang dalawa kong braso at ngumiti bago tuluyang napagdesisyunang bumangon, tulad ng nakasanayan, at usually na ginagawa nating lahat, magto-toothbrush, maliligo, kakain tapos ayun, hihintayin ko pa ang kuya kong ubod ng bagal.
It's already 6:05 in the morning, tulog pa si kuya, simula ng klase namin 6:30am, hirap nya gisingin eh kaya hinahayaan ko nalang, medyo nasasanay na nga din ako since ganito naman palagi. Kaya wala akong choice kung hindi magpahatid na lang sa driver dito sa bahay.
Anyways, let me introduce my life. Dalawa na lang kami ni Kuya dito sa bahay, iniwan na kami ni Mommy noong bata pa ako, na comatose sya, naputol yung ugat nya sa utak na nagcause ng pagkalat ng dugo sa loob nito, I think, I was 8 yrs old noong nawala si Mommy, kaya naman ganoon kasakit para sa amin ni Kuya ang maulila. Tungkol naman kay Daddy, hindi na sya nagparamdam sa amin at kahit pisngi at noo nya ay hindi ko naaalala, bata pa daw kasi ako noong iniwan nya kami, pero si Kuya, kilalang kilala niya si Daddy kasi until now ay mahigpit pa din ang galit nito dito, sabi ni Kuya sumama na si Daddy sa ibang babae at nagkaroon ng ibang pamilya, hanggang sa namatay si Mommy, ni anino nya ay hindi ko nakita. Si Kuya na yung tumayong magulang ko nung nawala na sila, sobrang protective nito sakin, minsan OA na, napakadaming bawal, siguro dahil kami na nga lang dalawa, ramdam ko naman ang pagmamahal na binibigay nya sakin, at sapat na yun para masabi kong masaya at kompleto ang pamilyang meron kami kahit dadalawa kami, may sarili na kami ngayong business, kashare namin ng negosyo yung parents ng kaibigan ko, I mean super friend ko since I was born, si Cindy, yung parents nya kasosyo na ni Mommy nung nabubuhay pa sya, sila Tita na yung gumabay samin, most especially kay Kuya para sumunod at matuto sa negosyong iniwan ni Mommy, sobrang laking utang na loob namin sa kanila kasi kahit nawala na sina Mommy tinuring nila kaming anak, ayaw ni Kuya na iwan ang bahay namin dahil sa memories ni Mommy, mas gusto nyang dito nalang kami, kaya sa murang edad ay dito na kami namuhay ni Kuya ng magkasama, at literal ng siya ang sumalo sa lahat ng responsibilidad.
Napakalayo na ng narating ng kwento ko, hindi pa pala ako nakakapag pakilala, I'm Channel Assuncion, 17 yrs of age, fourth year high school, top student, simpleng tao lang na nag exist sa mundo, pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral at makatulong kay Kuya, ayoko siyang biguin, gusto ko masuklian lahat ng sakripisyo niya para sa akin.
Alvin naman name ng kuya kong napaka pogi, sa totoo lang madaming babae yung nagkakagusto sa kanya, 22 yrs old na sya, graduate na sya at ngayon sya na yung may hawak ng company namin.
•FASTFORWARD•
Sa wakas nakadating din ako sa school 6:18am, maaga pa ako. Bumaba na ako at lumakad, ng nakarating nako sa room namin nakita ko na agad si Cindy nagseselfie na naman.
Ano pa bang bago halos araw araw naman ganyan .
"Huy ang lawak na naman ng ngiti mo dyan, si John na naman ba?" bungad ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)
Fiksi RemajaUN-expected LOVE Story.. Saan nga ba nagsisimula ang pag-ibig? Kailan nga ba natin ito nararamdaman? O kailan nga ba ito dadating? Marami tayong tanong tungkol sa pag-ibig na napakahirap sagutin, minsan pa nga masasabi mo sa sarili mo na, IMPOSIBLE...