Chapter #24
Channel's Pov:
Hanggang ngayon matapos ang nangyari kahapon sa party hindi ko padin maipaliwanag ang mga nangyari, hindi ko alam kung totoo ba lahat ng yun, or baka trip lang ulit ng lalaking yun, hindi ko na alam ang gagawin, ayokong magpaligaw sa kanya at lalong ayokong maging kami. Ang isang katulad ko ay hindi nababagay sa isang katulad nya, oo aaminin ko, sa dami ng nangyari unti unti nakong nahulog sa kanya, pero lahat yun pilit kong iniiwasan para sa ikabubuti ng lahat at ikabubuti ko. Sa twing iniisip ko pag naging kami? Andaming pumapasok sa utak kong possibilities na mangyayari, Like Kuya, paano na pag nalaman nya tapos nako, then my goals and dreams, ayokong isacrifice yun para sa kanya lang. And besides ang sarili ko, pano nalang ang buhay ko kapag naging kami magiging magulo, baka nga dumating pa sa point na katapusan ko na dahil sa mga babaeng nasa paligid ko, pero kung lahat ng ito isang challenge lang para sa amin o sa akin, kakayanin ko kung pwede lang. Kaso hindi eh, ang LOVE kusa daw dumadating sa tamang panahon, and i think, it's not the right time para sa LOVE. Kaya ngayon alam ko na ang sagot sa tanong nyang CAN I COURT YOU? the answer is NO, alam ni God na gustuhin ko man pero mas matimbang sakin ang LOVE sa mga nasimulan kona, kesa sa LOVE kay Gino na walang kasiguraduhan....
Ayaw ko ng umasa pa sya, kung totoo man, baka masyado lang akong nag assume na totoong gusto nyako baka mamaya trip lang to.
Nagbuntong hininga ako bago hinanap ang name nya sa contacts ko.
And then ....
Biglang tumunog yung phone ko na nagcause para mabitawan ko sya, kakagulat kasi tapos lakas ng vibrate buti nasa kama ako.
Calling Asungot....
Si Gino pala! ano kayang kelangan nya.
"Hello?"
"Channel?" sya
"Yes?"
"Pwede ba kita mainvite ng lunch mamaya, susunduin kita dyan" sya
"No, uhmm what i mean is hindi moko pwedeng sunduin dito magagalit Kuya ko, punta nalang ako kung saan"
"Ah, sigee text konalang kung saan, see you bye" sya
Kusang namula ang pisngi ko at agad kong inend ang call. Parang kelan lang sobrang galit ako sa mga ginawa nya samin tapos ngayon eto sya at eto ako, may nakapagsabi kasi sakin na kahit gaano pa kabigat ang nagawa ng isang tao, matuto tayong magpatawad kasi si God nga kayang kayang magpatawad tayo pa kaya. Lahat daw tayo deserve ang second chance.
9am na pala, mamaya lunch time na eh nubayan. Pero itutuloy nya talaga ang panliligaw sakin? Ayoko na talagaa, sasabihin ko na ang nga dapat kong sabihin mamaya.
Fastforward...
Kabababa ko palang ng taxi dito sa tapat ng restaurant kung san nya ko pinapapunta. So pumasok na ko at naglinga linga nakita ko naman agad ang napaka amo nyang mukha.
Lumapit ako sa kanya at nakita nyako, pinaghanda naman nyako ng upuan, napaka gentleman nya ngayon, compare the other days na halos asot pusa kami, what happened to the earth naba?
"So kamusta? anong gusto mong kainin?" tanong nya sabay abot sakin ang hawak nyang menu. Naku kanina pa ata sya dito eh.
"Anything" nakangiti kong sagot.
"Ano ba yan, ang hirap naman umorder ng hindi ko alam kung ano gusto mo" natatawa nyang sagot.
Napatawa nalang ako hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa itsura nya, itsura nyang parang masaya lang at walang iniisip, hindi ko tuloy alam kung pano sasabihin.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)
Подростковая литератураUN-expected LOVE Story.. Saan nga ba nagsisimula ang pag-ibig? Kailan nga ba natin ito nararamdaman? O kailan nga ba ito dadating? Marami tayong tanong tungkol sa pag-ibig na napakahirap sagutin, minsan pa nga masasabi mo sa sarili mo na, IMPOSIBLE...