Unexpected 12

11K 398 6
                                    

Chapter #12: (Continuation)

Channel's Pov: 

After namin makapasok dito sa RESORT, pumunta na kami sa pinareserve na kwarto ni Cindy, hanggang ngayon naaasar parin ako sa kanya kung bakit ba naman sinama ang mga lalaking to, masama pa nito kasama si Asungot.

Bale 2rooms yung kinuha namin, malaki naman kasi bawat room, ako si cindy then si sheila, yung pinsan ni Tyron yung sa isang room, then dun sa isang room ay yung Hot Gang's tas si Tyron, ayoko nga isama si Tyron sa kanila eh, mamaya mahawaan pa ng limang yun, pero wala ginusto nya din.

"Shiela, Channel tara na sa labas, meryenda tayo" sigaw ni Cindy sa may pinto.

"Kayo nalang, inaantok pako" palusot ko.

"Anong antok ka dyan, 5:00pm na kanina ka pa kayang tulog, bilis na para naman maenjoy natin to, Shiela tara na, wag ka maiilang samin, friends na tayo ah" sagot ni cindy.

"Ahh, opo" sagot naman netong si Shiela, kung anong kinahinhin nya sya namang kinalikot ni Cindy, at ang galang nya naman, walang wala kami ni Cindy, tsaka bat ba nangongopo sya samin eh magkakasing edad lang naman kami. Nabanggit nya din na magtratransfer sya sa school na pinapasukan namin in short sumunod daw sya kay Tyron, kasi sinabi ni Tyron na maganda dun, OO TAMA maganda dun kung walang Gino'ng umaaligid, ay teka bat ba ang hot ng blood ko sa lalaking yun?

"Oh sya, natulaley ka na Channel, tara na sabi eh" epal ni Cindy sa harap ko sabay hila samin ni Sheila.

Kawawang sheila pag nakasama nya si Cindy, araw araw basta nalang nanhihila eh.

Pagkalabas namin, nakita ko na si Tyron tsaka yung apat sa hot gang's teka sinong wala? Ay si Miko pala, kala ko pa naman si Asungot, sayang naman, nandun sila sa isang table sa labas at mukhang masarap nga dito.

"Oh ayun na pala sila eh" excited na sabi ni Cindy.

Oo nalang sa kanya, teka? bat ang close close naman na ata ni Tyron sa mga lalaking yun? sa bagay si Gino lang naman yung bad infuence dun, may mga mabubuting kalooban pa naman yung apat.

Umupo na kami dun at tumabi nalang ako kay Cindy at Sheila, bale asa gitna nila ako, pero bakit sya yung katapat ko, talaga nga naman oh, bat si Asungot pa? pano ako iiwas dito kung panay yung papansin nya, wait? nagpapansin ba sya? hindi naman eh, ayan na naman ako eh sinumpong ng pagiging feeler pag nakikita ko lalaking to!

Infairness sa kanila ah daming food, kung wala lang sana sila dito makakakain ako ng maayos, eh kaso super naiilang ako sa kanila, ang awkward.

After a minutes na pag-upo, hindi man lang ako nakakain, nagdecide nakong umalis at umikot ikot nalang dito sa beach, di kasi talaga ako komportable.

"Uy san ka na?" tanong ni Cindy, buti sila masasaya, pati si Sheila ang saya na eh bat di ako mahawa sa kanila.

"Wala dyan lang, maglalakad lakad" sagot ko.

"Mamaya na sabay na tayo, kain ka muna di ka ba nagugutom?" tanong ulit nya.

"Hindi pa naman eh mamaya nalang sige na" sagot ko, pero sa totoo lang sobra nakong gutom! wala nga ako lunch eh.

So after ng konting paglalakad sa tabing dagat, tumigil muna ako para magmasdan ang napaka gandang beach nato, whitesand sya, ang sarap tuloy maligo dito.

Umupo muna ako sa buhangin habang pinagmamasdan ang paligid kasabay ang paglanghap sa sariwang hangin.

"Wuyy" 

"Ayyy Gino!" sigaw ko dahil sa gulat, napatingin naman agad ako sa gumulat sakin, si Miko pala, at teka bakit Gino yung nasabi ko?

"Gino pala ha, may feelings ka din pala sa kanya" natatawang sagot nya, may feelings DIN daw pala ako sa kanya? anong ibig sabihin nun?

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon