Unexpected 18

9.1K 359 2
                                    

Chapter #18

Channel's Pov:

Parang kailan lang, unang pasok ko palang dito as g10 tapos ngayon december na naman, nakakatuwa, lapit na naman ng christmas.

Monday nga pala ngayon nandito nako sa school naghihintay sa teacher namin. Naalala ko tuloy si Hannah, dito rin kaya sya pumapasok? wag naman sana.

"Channel look" sabi ni Cindy mula sa tabi ko, tumingin naman agad ako sa kanya.

"Alin?" tanong ko.

"Ayan ohh" sagot nya tapos pinakita sakin yung picture sa phone nya.

"Teka? bakit kasama ni Sheila si Miko? bat parang ang close nila?" nagtatakang tanong ko.

"Ewan ko nga ba dyan sa babaeng yan, para namang hindi nya kilala mga yan, mga manloloko" inis na sagot nya.

"Oo nga eh, pati ba naman sya nadala ng mga yun" mataray na sagot ko.

"Bahala sya" sagot ni Cindy sabay harap sa unahan. Kita ko sa boses at mata nya na nasasaktan padin sya.

"Baka naman may reason sya, malay mo friend lang sila or nagpapicture lang w/ miko?" sagot ko.

"Kahit na dapat hindi padin sya lumalapit sa mga yun, iiyak lang din sya sa huli" sagot nya.

"Hayaan nalang muna natin sya kausapin nalang natin mamaya" paliwanag ko.

Hindi naman na sya sumagot at nagfocus na sa unahan yung tingin, para namang andito na si Sir eh no?

So after a minutes dumating na si Sir. late sya ng 10mns. may inisikaso lang daw.

So nagdiscuss discuss lang sya tapos ayun tapos na.

So dahil mabilis yung oras, mabilis lang natapos ang lahat.

"Channel hindi ba tayo pupunta sa Cafeteria? nagugutom nako eh" tanong nya.

Andito pala kami sa bench ngayon.

Tinignan ko lang sya ng masama at tumahimik nalang.

"Channel naman hindi mo ba naisip na bakit laging tayo yung lalayo? tayo nalang lagi yung nag aadjust, eh ano naman kung makita nila tayo at makita natin sila, eh di wala ng pansinan. Wag tayong mahiya sa kanila, sila dapat mahiya satin, dahil sa ginawa nila" inis na inis na sagot nya.

Napanganga naman ako sa pinagsasabi nya. Ganyan talaga sya pag nanggigigil.

"Hindi kasi, hindi ko kaya" sagot ko.

"Seriously? hindi mo kaya so kayanin mo, teka isang tanong isang sagot? may feelings ka pa ba kay Gino? yung totoo!" seryoso nyang tanong.

Napaisip naman ako sa mga tanong nya,bat nga ba ko nahihiyang magpakita sa kanila?

"Ano na? may feelings ka pa ba kay Gino?" tanong nya ulit.

May feelings pa ba ako kay Gino? teka kelan ba ko nagkafeelings sa kanya?

"Ha? di ah, kelan pako nagkafeelings dun, simula palang naman hate ko na sya!" sagot ko naman.

"Yun naman pala eh, tara na baka nandun si Sheila" sagot nya sabay hawak sa kamay ko at tumayo.

"Teka, ayoko nga, dito nalang tayo" pagmamaktol ko.

"Sawa nako tumangla at maghintay ng sunod na klase dito kaya tara na" sagot nya.

______

[A/N: Sorry sa short update bawi next huhu, thank you]

Don't Forget to VOTE thanks!

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon