Angry (adj.)
Tahimik ka lang noong bigla akong pumunta sa bahay niyo. Hindi ka kaagad kumibo. Noong nasa likod ang ate mo, tsaka ka lang ngumiti at pinapasok ako sa loob. Sa bahay niyo, pakiramdam ko, biglang nawala ang galit mo. Ni hindi mo nga ako pinagbagsakan ng pinto. Pinagsilbihan mo pa ako. Naglabas ka ng malamig na tubig. Kinakausap kita pero hindi ka nagsasalita. Nakatutok ka pa rin sa telebisyon. Commercial na sa pinapanood mo pero hindi ka pa rin nakatingin sa akin. Ganito ka talaga magalit, napakatahimik.
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoetryBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.