As (prep.)
Huminga ka nang malalim at nagsalita, "As far as I remember, hindi kita pinapapunta rito." Sinubukan ko pa ring ngumiti kahit napapahiya na ako sa iba pang tao sa bahay niyo. Ang awkward, siyempre, hindi ako kumportableng ganito ang pakikitungo mo sa akin.
"As far as I remember, wala kang reply sa mga text ko." Nagkunot ang noo mo at hindi na umimik pa. Hindi ka naman ganito kalamig dati. Anong nangyari? Maraming nagbago simula noong lumabas kayo ng mga kabarkada mo. Maraming nagbago simula noong umalis kayo sa bansa ng isang buong linggo. As far as I can remember, merong tayo.
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoetryBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.
