Essay

294 10 2
                                    

Essay (n.)

Sa tuwing nakapila tayo sa sakayan ng FX, nagbabasa tayo ng newsfeed. Minsan, ipapakita mo sa akin 'yung phone mo. Magsasabi ka ng ganito, "Ang sweet nila no? Ang haba ng message ng babae sa lalaki? Kita mo rin 'yung effort. Long message pati."

Napakunot 'yung noo ko habang binabasa 'yung "long message" ng kaibigan mong babae sa boyfriend niya. One month na raw sila, at thankful si ate girl sa presence ni kuya boy. Marami pa siyang ibang sinabi pero appositives at dangling modifiers naman 'yung nakasulat sa long message ni ate girl. Nagtataka ako kung bakit mo kinatuwa 'yung ganoong uri ng message.

Malapit na akong ma-turn off sa'yo. Buti na lang, mahal kita. Bakit mo kinukunsinti ang mali sa grammar niya? Bakit ka kailangan sumabay sa agos ng buhay ng tao sa social media? Hindi ka ba masaya sa lahat ng sulat kong nasa papel tuwing Linggo? Kailangan bang i-post ko sa social media?

Breakup DictionaryWhere stories live. Discover now