Jeepney

327 9 4
                                        

Jeepney.

Malakas ang buhos ng ulan. Sabay tayong naghintay nang masasakyan sa bus stop. May dala akong payong, na ilalabas ko na sana pero naglabas ka rin ng payong mo.

Sa ilalim ng payong, sabay tayong sumasayaw sa indayog ng hangin na parehong yunayakap sa ating naghihintay ng jeep.

Sa ilalim ng payong, sabay tayong umaasa na ang hiyaw ng langit ay mapapalitan ng bagong tinig.

Sa ilalim ng payong, sabay tayong sasampa papasok ng jeep.

Kaya lang, sa ilalim ng payong, kasabay ng pagsakay natin ay ang pamamaalam rin ng mga alaalang ayaw mo nang balikan.

Isinakay mo lang pala ako sa jeep.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Breakup DictionaryWhere stories live. Discover now