Galaxy

262 8 0
                                        

Galaxy (n.)

Isang gabi, naghihintay tayong dalawa ng masasakyan sa siyudad na hindi nauubusan ng tao. Night shift ako noon sa trabaho kaya papasok pa lang ako, at pauwi ka na. Hindi ko nga inakalang susurpresahin mo ako noon, at makikipagkita sa akin. Nasa hintayan tayo ng sasakyan nang mapatingin tayong dalawa sa kalangitan. "Ang ganda ng mga bituin, no?" sabi mo. May ganito kang side. Tuwing naiipit tayo sa traffic at lowbat ang cellphone mo, nagiging in-depth 'yung usapan natin. Marami kang napapansin. Nabigla ako kaya hindi ako nakasagot agad sa sinabi mo.

Hindi ako lalo nakasagot nang dugtungan mo ito. "Mas maganda ka sa mga iyan."


Author's note: Special mention kay @QueenofBlackA Thanks for the votes!

Breakup DictionaryWhere stories live. Discover now