Goodbye (n.)
"Sige, ibababa ko na." Ito ang (medyo) huling pangungusap mo sa tuwing magkausap tayo sa phone. Sasagutin naman kita ng "Sige, ibaba mo na." Hihintayin ko namang maibaba mo ang kabilang linya pero hindi pa pala. Naririnig ko oa ang hininga mo. Naririnig ko ang ikot ng electric fan na background na tunog sa kabilang linya. Napatanong ako, "Bakit and'yan ka pa?"
Matagal ka bago sumagot, "Ayoko pa kasing magpaalam," sabi mo.
Gusto kong magpaikot-ikot sa ibabaw ng kama ko sa kilig. Hindi rin ako kaagad nakasagot dahil masyadong nag-init ang pisngi ko sa sinabi mo. "Ako rin, ayoko nang magpaalam," sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/132821402-288-k404104.jpg)
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoetryBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.