Infinite (adj.)
Sa tuwing lumalabas tayo sa gabi, tayong dalawa lang ang may alam. Hawak mo ang kamay ko at patuloy akong kumakapit sa pag-asang sana ganito ka kasabik sa akin palagi.
Sa tuwing nagkikita tayo sa umaga, tila may haligi sa pagitan nating dalawa. Hawak mo ang mga pangarap mo at disiplinang kailangan mong pagtuunan ng pansin. Samantalang ako, humahawak pa rin sa pag-asang ako ay iyong mapapansin.
Sa tuwing iniisip kita, iniisip ko ring sana isipin mo ako. Walang kasukdulan ang pagsamo ng isip ko na sa bawat araw ikaw ang makita. Sabihin mo nang sira ako pero ganito talag ako pagdating sa iyo.
Sana sa akin, ganito ka rin kapraning.
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoetryBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.