Brave (adj.)
Lumabas ako ng bahay ninyo. Hindi ko lubos maisip kung bakit mas malamig pa 'yung pakikitungo mo kaysa sa lamig ng hangin sa labas. Hinayaan mo akong umalis ng bahay niyo kahit alam mong wala akong payong. Hinayaan mo akong humakbang papalayo kahit alam mong mababasa ako ng ulan. Papalakas nang papalakas ang simoy ng hangin. Papalakas nang papalakas ang kaba sa damdamin. Hindi ko na alam ang susunod na iisipin, pero kailangan bumulong pa rin ng isang dasal sa hangin.
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoetryBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.
