Irreplaceable (adj.)
Nasakop tayo ng elemento ng oras. Kinain na tayo ng sistema ng lipunan. Alipin na tayo ng kapitalismo na kung saan nagiging makina na lang tayo na pinapagalaw ng pera. Sa madaling salita, nagtatrabaho tayong dalawa. Wala naman tayong magawa dahil kailangan ng trabahong pantustos ng luho mo sa pagbili ng mamahaling relo. Luho kong pagkain sa mamahaling resto.
Sa kabila ng maraming materyal sa mundo, ang isipin ka ang hinding-hindi ko magagawa. Kahit sino pang dumating, kahit ano pa ang sumakop sa atin, ikaw pa rin ang paglalaanan ng pusong palaging bitin.
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoetryBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.