Denial (n.)
Isang gabi, sinubukan kong kalimutan ka. Nang mag-text ka ng kumusta, hindi ako nag-reply. Tiningnan ko lang ang message mo at itinabi ang phone ko. Tumingin ako sa relo ko. Pagkatapos ng limang minuto, binasa ko ulit ang message mo. Hindi ako nag-reply. Tumingin ako sa wall clock sa office, limang minuto ulit ang lumipas. Hindi ako nag-reply. Huminga ako nang malalim at nagsulat nang nagsulat ng random sa likod ng planner ko. Napatingin ako ulit sa phone ko.
Nag-type ako ng "Okay lang. Anong gawa mo?"
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoetryBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.