Dear (adj.) minsan (n.)
Napaisip ako nang bigla kang mag-reply ka sa akin ng ganito: "Gano'n pa rin, dear." Sinong dear? Natatandaan kong hindi naman dear ang pangalan ko. Never namang naging dear ang tawagan natin. Hindi naman ako nagpalit ng pangalan. Hindi mo naman sinabing Dear Jen, or Dear friend. Wala namang pangalan ko sa reply mo na 'yon. So, sino si Dear?
Naglakas-loob akong mag-reply. "Sinong dear?" Lima, sampu, dalawampung minuto bago ka nag-reply. "Naki-text pinsan ko kanina. Sa'yo ata na-send. Loko talaga 'yon."
(Author's Note: This part is dedicated to @Beefar. The first commenter to #BreakupDictionary)
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoetryBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.