Heaven. Ito 'yung naramdaman ko nung pangalawang beses tayong lumabas. Break natin noon, parang ayoko na ngang patigilin ang oras. Limitado lang ang pwede nating pag-usapan dahil limitado rin ang pagkakataon. Halos hindi ko na maubos ang kinakain ko dahil sa kakatitig sa iyo. Mas nauna kang natapos kumain. Sobrang bagal ko lang siguro, o sadyang mabilis ka lang (at sana hindi ka nagmamadali).
Heaven. Ito 'yung naramdaman ko sa tuwing inaalala ko na lang 'yung huli nating kain sa labas. Maraming nagbago. Mabilis na akong kumain ngayon, hinihintay ko kasi ang message o text mo kung sakaling yayayain mo ako sa labas. Kaya lang, mabagal ka nang mag-text o sadyang wala ka lang talagang load (at sana hindi ka lang nawawalan ng ganang kumain).
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoetryBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.