Ending (n.)
Tuwing nanonood tayo sa sinehan, ayaw na ayaw mong hinuhulaan ko ang ending ng pelikula. Kadalasan kasi, tama ako. Hilig kasi nating panoorin 'yung palabas na cliché na (kasi ganoon ang gusto mong palabas). Ayaw mo ring sinasabi ko 'yung mangyayari sa susunod na eksena. Ayaw mong nahuhulaan ko 'yon kasi ayaw mong ma-spoil. Gusto mo ng sorpresa. Simula noong araw na 'yon, hindi ko na hinuhulaan 'yung susunod na mangyayari. Tinigil ko na.
May isang bagay na lang ako na hindi sigurado ang ending: 'yung relasyon natin. Hindi ko pa rin masabi kung saan pupunta 'tong walang label na relasyon natin. Ayaw mo rin bang mahulaan ko kung saan tayo patungo?
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoésieBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.