Jam (n.)
Minsan, tinanong kita kung anong favorite mong flavor ng jam. Sabi mo, 'yung strawberry, lalo pa 'yung bagong pitas sa Baguio farms. Gustong-gusto mo 'yung tamis ng strawberry jam.
Ako rin, kinahiligan ko na 'yung strawberry jam dahil sa lagi mo itong nakukwento sa akin. Kaya nga, kahit magkalayo tayo, ito pa rin ang minimeryenda ko. Sana, sa after life, kasing tamis na rin ng strawberry ang turing mo sa akin.
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoetryBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.