Decree 2

4.4K 123 2
                                    

Matapos ang pagtatalo naming ni ate, hinanap ko ang mga requirements para makapasok sa Luxembourg at nalula ako sa dami ng mga requirements. Bago ka makakuha ng visa, kailangan mo munang kumuha ng authorization to stay na aabot ng 3 – 4 months para maproseso. Kapag nakakuha ka na ng letter mula sa embassy, at saka ka na mag-aayos ng visa to process na medyo tatagalan din ng proseso. Dahil sa maraming koneksyon ang tatay ko, natapos ang application ng authorization to stay at visa ko ng 2 months. Medyo I feel bad about it pero sige na nga. Nandiyan na eh. Bumalik na si ate sa France para sa trabaho niya.

During the course of two months, kung ano-anong raket ang pinasukan ko habang naghahanap ng trabaho sa Luxembourg. Call center, pagiging mentor ng mga high school students para sa play nila, tapos nagbebenta na rin ako ng mga sarili kong libro, may maipandagdag sa panggastos ko. Ngayong malapit na ang flight nandito na ako sa may airport at hinihintay na matawag ang aking flight. Kinakausap ko ngayon si Louie at Irish through group video call.

"Hello, ito na ata ang destiny ko. Mag-aabroad ako." sabi ko sa video call. Biglang naging malungkot ang tono ni Irish.

"Hayst. Talagang ganyan ang buhay. Malay mo? Baka diyan ka na makahanap ng lovelife mo sa anong bansa ulit yun?"

"Luxembourg yun, ulyanin ka na talaga." sabat ni Louie kay Irish.

"Sorry na Louie oh." sagot naman ni Irish kay Louie at nagpatuloy sila sa kulitan nila. Natawa naman ako sa kakulitan nila. Talagang mamimiss ko sila kapag nasa abroad na ako. Bigla namang nag-iba ng topic si Irish.

"Derrick, uhm, tanong ko lang ah." medyo kabang pagkakasabi ni Irish.

"Bakit? Ano 'yon?"

"Uhm, madami kasing nagkakagusto sa'yo. Tapos wala kang pinapansin sa kanila kahit na gwapo ka. Derrick, we need an honest answer from you and we will support you if ever na masagot mo to. Are you—" naputol ang tatanungin sana ni Irish dahil biglang humina ang signal ng data ko. Sakto ring tinawag na ang flight ko papuntang Belgium. Bakit Belgium? Wala kasing direct flight ang Manila to Luxembourg kaya pahirapan talaga.

Tumayo na ako at hinila na ang strolling bag ko papunta na sa eroplanong sasakyan ko. According to my research, aabutin ako ng 19 hours para makapunta ng Belgium. Umupo na akong sa seat na malapit sa bintana. First time ko pa lang magflight kaya excited na ako. Medyo nakakatakot kapag nagte-takeoff yung eroplano pero kapag nagstable na ang paglipad niya sa kalangitan, nakakamangha ang ganda. Dahil sa pagmumumi-muni ko, nakatulog ako sa byahe.

Gumising ako na nasa himpapawid pa rin at halos kalahati ng mga pasahero ay tulog. Lumapit ang isang attendant sakin. Maganda siya at sexy rin. Maganda rin ang ngiti niya at pang-Miss Universe ang ganda niya. Sinabi ko sa kanya na kailangan ko ng kape. Nilabas ko na ang paborito kong teen fiction themed fiction book na If You Don't Mind at ang sequel nito na The Assault On My Love. Maya-maya inabutan niya ako ng kape para pampalipas oras ko habang nagbabasa. May 9 hours pa akong bubunuin para sa pagbabasa ng libro.

Makalipas ang apat na oras, natapos ko na rin ang pagbabasa sa If You Don't Mind. Binasa ko naman pagkatapos ang The Assault On My Love na natapos ko rin ng apat na oras. Sinabi ng announcer sa PA na may isang oras na lang kami sa himpapawid at malapit na naming marating ang Brussels. Pinikit ko muna ang mga mata ko para makapagpahinga dahil sa kakabasa ko. Matapos nito naglanding na rin ang eroplano sa Brussels, Belgium. Bumaba na kaming mga pasahero at napansin kong medyo kumonti ang mga pasaherong kukuha ng iba pang plane ticket.

Bumili na ako ng plane ticket sa isang airline at hintayin ko raw na matawag ang flight ko papuntang Luxembourg. Dahil matagal pang tawagin ang flight ko, napagdesisyunan kong kausapin yung mga friends ko. Si Louie lang ang online at siya lang ang nakausap ko.

"Uy, Derrick, kamusta ka na? Gabi na rito sa Pilipinas." Sabi niya.

"Oo nga eh. Medyo malamig na nga rito, nandito na ako sa Brussels. Hinihintay ko na lang na matawag yung flight ko papuntang Luxembourg." Sagot ko sa tanong niya.

Wala naman na kaming pinag-usapan ni Louie. Pinag-iingat niya ako sa biyahe. Hindi rin nagtagal ay tinawag na rin ang flight ko papuntang Luxembourg. May bubunuin pa akong 3 oras para sa biyahe ko mula Brussels papuntang Luxembourg. Ito na ang umpisa ng aking tunay na pagbabago sa Luxembourg.

Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon