"Hello, Derrick!" bati ni Irish sakin.
"Hallowinah, Derrick!" si Louie naman yan. Nag-video call kaming tatlong magkakaibigan. Ang hirap naman kasing magkwento kapag sa chat lang.
"Hello sa inyo. Umaga pa lang dito," sabi ko sa kanila.
"Yes. Hapon na nga dito sa Pilipinas at ang init!" reklamo ni Irish.
"Hindi ka pa nasanay," sumbat ni Louie sa kanya. Natawa ako sa kanila. Iyan na naman silang dalawa sa asaran nila. Kaya namimiss ko na sila eh.
"Shut up na kayong dalawa!" saway ko sa kanila habang natatawa. Tumahimik naman sila. Isang katahimikan ang bumalot saming tatlo.
"So, ano na, Derrick? Anong ikekwento mo?" tanong sakin ni Irish.
"Ay, ako ba? Akala ko kayo magkukuwento?! Hahahaha!" sabi ko sa kanila.
"Ngek, akala namin kaya mo kami pinatahimik kasi magkekwento ka," explain ni Louie sakin.
"Gaga ka talaga, Derrick," iling ni Irish.
Tumahimik sila pareho at nag-isip ako. Sana hindi ako umiyak habang kinukuwento ko sa kanila ang nangyari samin ni Philip.
Kinwento ko sa kanila ang about samin ni Philip. Lahat ng detalye kinwento ko. Tumahimik silang dalawa. Mula sa mga pangako ni Philip na pinako niya hanggang sa mga pasabog niya sa ball at mga inamin niya. Lahat 'yon kinwento ko sa kanila.
"Omg. Manloloko pala si Philip. Akala ko lahat ng mga royals mababait. I'm so sorry, Derrick if I ever pushed you to that kind of relationship," sabi ni Irish sakin.
"No, Irish. Ako dapat ang mag-sorry sa inyo kasi choice ko 'to at hindi ko pinakinggan ang mga warning niyo sakin back then," sabi ko naman.
"Okay lang 'yan. I hope you can move on and heal your heart," advise sakin ni Louie.
"Let's face the reality be. Siguro makakamove-on ka pero it will take a long time since magiging bayaw mo na si Philip at magiging tiyuhin ka na sa pamangkin mo," advice naman sakin ni Irish.
Nakita ko naman ang notification sa phone ko. Nagmessage sakin si ate para iremind ako na bisitahin ang secretary ni Philip for the negotiations para sa kasal nila. Tinignan ko ang mga kaibigan ko. So thankful na nandito sila para sakin.
"Thank you, guys! Thank you sa time! Duty calls" sabi ko sa kanila.
"Wala 'yon. Basta andito lang kami ni Louie to support you." Sabi ni Irish sakin.
Nag-end na kami ng video call.
So, ayun na nga. Ako ang inassign ni ate para sabihin sa royal family ang gusto ng pamilya namin for wedding negotiations. Ako rin ang makikipag-usap sa kanila kung halimbawang may compromises at dapat baguhin sa negotiations. So far, maayos naman ang pakikipag-usap namin sa kanila at masaya ako kasi laging busy ang royal family at ang personal secretary ni Philip ang lagi kong kausap. Inayos ko muna ang sarili ko at saka umalis. Hindi na nagmemessage sakin si Philip. Okay na 'yon. Pinasa ko naman kay ate ang lahat ng pictures ni Philip sa phone ko (except sa x-rated na sinend niya sakin). Pati din ang acoustic musc video na sinend niya sakin.
Nagcommute na ko papunta sa Royal Palace. Mabilis din naman akong nakarating sa palasyo. Pinapasok naman na ako nila sa palasyo. Pumunta ako sa 4th floor kung saan nandoon ang opisina ng secretary at tabi lang ng opisina ni Philip. Kumatok ako sa pinto at hindi ang personal secretary ni Philip ang nando'n kundi ang staff niya lang.
"Where is the secretary?" tanong ko sa staff niyang lalaki na mukhang bored sa buhay.
"The secretary est not here. You are Lady Alina's brother?" tanong niya.
"Yes, I am. When will the secretary return?" tanong ko sa kanya.
"The secretary will not come. He is absent but I have tasked by His Majesty the Grand Duke to bring you to his office now." Sabi niya. Ano daw? Pupunta ako sa opisina ni Philip? Naglakad si staff at pumunta na nga kami sa opisina ni Philip.
Pinapasok naman siya ng mga guard at pilit kong pumasok sa opisinang 'yon. May sinabi si staffer sa kanya, nagbow at umalis. Tumingin kaagad si Philip.
"Have a seat, munch—Derrick," sabi niya sakin. That endearment. My God. Umiling ako sa alok niya na umupo ako.
"No, Your Grace. This is what our family has agreed upon the terms in the wedding." Kinuha ko ang bond paper sa loob ng suit ko at sinabi ko sa kanya ang lahat ng mga pagpayag at modifications ng ilang parts. Habang binabasa ko ang agreement paper, tumitingin ako sa kanya at nakatitig siya sakin. Sana naman nakikinig siya sakin.
"That's all. Any suggestions or reactions, Your Grace?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya, "Nothing."
Tinago ko na ang papel sa suit ko at umalis kaso bigla naman akong tinawag ni Philip. Ano ba? Lumingon ako sa kanya at nagkatitigan kaming dalawa. Wala akong naramdaman na kahit ano. Kung dati, titibok ng puso ko kasi may ganitong cheesy moments. Ngayon, wala na. Mga ilang linggo na din kasi since nang huli kami nagkita. Umiling lang siya.
"You may go, munch—Derrick,"
Kinibit balikat ko lang ang pagsabi niya sakin ng endearment niya. Umalis na ko mula sa Royal Palace papunta sa apartment kung saan nandoon ang pamilya ko. Yes. Dumating nga pala ang mga magulang ko galling Pilipinas at dito muna sila maglalagi hanggang sa matapos ang kasal. Nasa 10th floor ang apartment nila. Sumakay ako ng elevator para mabilisan ang pagpunta ko sa apartment niya. Kumatok ako at pinapasok naman ako ni ate.
Pumasok ako at umupo sa sofa ng apartment niya. Ain't maganda at malinis naman ang apartment niya. Nakabukas ang tv at pinapalabas ang mga Luxembourgish TV shows.
"Nasaan sila mama?" tanong ko kay ate.
"Namasyal. Anong sabi ng secretary sa'yo?" tanong niya sakin.
Kumibit balikat ako. Sasabihin ko ba sa kanya na si Philip ang kumausap sakin? Bahala na.
"Wala ang secretary. Mismong si Philip kumausap sakin," kibit-balikat kong sabi sa kanya.
"Oh?" taas-kilay na tanong niya.
"Wala naman siyang reklamo sa mga proposals ng pamilya natin para sa kasal niyo," sabi ko sa kanya.
Truth be told pero nalulungkot ako kapag nababanggit ko o naririnig ang salitang kasal. Kahit papano, nakakamove on ako pero may sakit pa rin eh. Buti na lang medyo may kaunting progress sa move on ko kaysa naman kay Philip na...panay ang tawag sakin ng munchkin kanina. Siya na naman.
"Buti naman. Just so you know na may mga espiya ako na umaaligid sa'yo. Just to make sure na you don't touch my husband-to-be. Galing silang Scotland at alam mo ba na malayong kamag-anak natin si Lord Darnley na naging asawa ni Mary, Queen of Scots?" kwento niya sakin.
"Oh? May espiya ka? Eh di maganda kasi papagurin mo lang sila kasi wala naman na kong interes sa asawa mo," ayan na naman siya sa pagiging possessive niya.
"Good. Just so you know, pang-14th generation tayo from Lord Darnley himself at yung mga espiya ko? Descendant din nila si Darnley,"
"Sure. May iba ka pa bang ipapagawa?" bored kong tanong sa kanya.
"Wala na. Pwede ka nang umalis." galit na pagkakasabi niya.
Kinibit-balikat ko lang iyon at umalis na sa apartment niya. Wala akong pakialam kung kamag-anak namin ang mga hari at reyna kung magiging sila naman ni... Ayoko na! Lagi na lang siya! I disappeared into the cold winds of Luxembourg City hoping that it'll wash away my grief.
BINABASA MO ANG
Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)
General FictionA diploma. A career. A life to make it a wonderful creation. Derrick Breckenridge is a college graduate. Felt like he's being controlled by people around him, he creates his own destiny by working abroad. With this, Derrick has the power to contro...