Natapos na din ang paghihirap naming lahat. Balik na sa normal ang lahat. Dumating na din sa wakas ang pinakahinihintay na sahod kahit delayed ito. Hinahanda ko na ang sarili ko para sa mga gastusin sa bahay at sa application for residence permit dahil malapit nang mapaso ang authorisation to stay ko dito sa Luxembourg. Nag-ayos na ko ng sarili ko at nagcommute na papunta sa teatro. Binati ako ng mga staff do'n at pumunta na sa office namin. Nandoon na kaagad sina Leia at Christina. May isang babae do'n na nakasalamin at mukhang mahiyain. Feeling ko bagong recruit siya. Binasag ni Leia ang katahimikan.
"Hi, Derrick! This is Francheska, our new recruit as playwright. She's gonna be with us until she's proven her worth. She's Luxembourgish, by the way. She can speak French and understand English." pagpapaliwanag niya. Understand English? Hindi siguro bihasa sa English pero nakakaintindi siguro siya. I shook hands with her at nagsimula na kaming magtrabaho. Pansin naming wala pa si Lewis. Baka late siguro. May dinaramdam siya kahapon eh. Tumuloy na kami sa paggawa ng mga gagawin naming play. Dumating si Lewis ng late tulad ng inaasahan. Binigyan siya ng warning ni Leia at pinakilala sa kanya si Francheska. Umupo na siya sa cubicle niya at nagsimula nang gumawa. Well, I didn't expect that.
"Hey, Lewis! Still sick?" nag-aaalalang tanong ko.
"A bit. I got recovered from fatigue yesterday." sagot niya.
"You should try to check-up." advice ko sa kanya.
"Thanks for the concern but I'm fine now. I just need a little rest, I guess." ngumiti siya at bumalik sa ginagawa niya. Gumawa na rin ako ng play. Actually, bumalik na rin saming mga pre-production staff ang pressure. Rumors has it na balak na rin daw ng executives na magrecruit ng karagdagang mga staff para sa production para hindi na kami kulitin pa. Feeling ko nga maraming magbabago dahil good to go na ang executives sa pagiging nationalized theater guild ng kumpanya. Nakakalungkot isipin na handa na silang magsacrifice ng ibang mga empleyado nila ngayon para sa pag-nationalize ng kumpanya. Tahimik lang kaming gumawa ng play at di ko namalayan na lunch break na pala. Inaya ako ni Christina na sumabay sa kanya. Si Lewis ay nagdecide na sumama kina Leia at kay Fracheska. Nag-usap lang kami ni Christina.
"What happened to Lewis? He's acting so strange." pag-open ni Christina. Napansin din niya ang pagbabago kay Lewis.
"I really don't know. He told to me he was sick yesterday and he needs some rest." kwento ko sa kanya.
"Well, that's still strange for me. Anyway, what's in between you and the prince? How you two become so close each other?" tanong sakin ni Christina.
"Well, I bumped into him and he spilled his coffee over me. I got mad to him. I never knew that he is a prince back then." kwento ko kay Christina.
"Well, this Prince Philip is really weird. He's acting like very commoner to me. He doesn't act like a noble. Maybe he's adopted afterall?" pagsang-ayon ni Christina sa naiisip ko kay Prince Philip pero hindi tumatatak sakin na baka ampon siya.
"Honestly, he told to me that he wants to live in his own. Maybe he got all the pressure as he will become king or in this land, Grand Duke so he decided to live like us." pagpapaliwanag ko kay Christina.
"Maybe you're right. But I can tell that the prince is into you." nagulat ako sa sinabi ni Christina na kinatawa ko. Napakunot-noo naman siya.
"I'm sorry but it's ridiculous. I'm not gay." sabi ko sa kanya.
"Really?" ngiting asar niya.
"Well, I'm straight but I felt strange attractions to the same sex." I honestly told Christina. Napangiti si Christina at nag-alok siya ng suporta sakin.
BINABASA MO ANG
Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)
قصص عامةA diploma. A career. A life to make it a wonderful creation. Derrick Breckenridge is a college graduate. Felt like he's being controlled by people around him, he creates his own destiny by working abroad. With this, Derrick has the power to contro...