Bumalik ako sa trabaho ko na sobrang lungkot. Naka-half mast ang lahat ng watawat ng Luxembourg. Naibalita na rin kagabi na namatay na si Grand Duke Francis II. Maraming mga tula, mga palabas at ilang mga world leaders at monarchs ang nagbigay ng parangal sa yumaong hari ng Luxembourg. Iyan ang mga nangyari nitong nagdaang araw. Pumasok ako ngayon sa trabaho ng sobrang lungkot. Malungkot rin ang mga staff ng teatro dahil sa pangungulila nila sa dati nilang hari. Marami na kasi ang Luxembourgish sa teatro namin at lahat sila malungkot. Nakasalubong ko si Christina at nagkamustahan naman kami.
"Oh my god. What happened? How's the prince?" sabay-sabay na tanong niya.
"The king is dead. His funeral service had been served to him and still, today's the coronation day and everyone is still grieving. We will be short in our money. Prince Philip is grieving as well even though today is his coronation. It's very fast," sabi ko sa kanya.
"Is it true that Prince Philip will be crowned as Grand Duke today?" tanong niya.
"Yes, Philip gave me an invitation through mail." Sabi ko sa kanya.
"Wow. That's nice. Why are you sad?" tanong niya sakin.
"Uhm. I need to leave work early. Can you please tell it to Leia?" sabi ko sa kanya.
"Yes. Since you already gave me a scanned image of the invitation then you're good to go." Sabi niya sakin.
"Thank you, Christina." Sabi ko sa kanya.
"No problem. Gonna do everything for your happiness." Sabi niya sakin.
Pumasok na ko sa room namin at pumayag naman si Leia na maaga kong makauwi basta tulungan ko siyang mag-ayos ng mga papeles at i-orient ang mga bagong hired na mga staffers ng teatro namin. Tinulungan ko siyang mag-ayos ng mga papeles dahil wala kaming records officers na siyang mag-aayos ng mga papeles namin. Pagkatapos nito, pumunta na kami sa meeting room kung saan naroon ang mga bagong hired na empleyado. Bakas ko sa mukha nila ang kaba nila at naalala ko ang unang beses na punta ko rito. Naalala ko rin ditto sina Louis at si Christina. Nalungkot ako ng slight dahil sa mga alaalang 'yon. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa mga bago naming empleyado. Karamihan sa kanila ay post-production staffers. Tagaayos ng kung ano-ano. Tagahanap ng mga sponsors and such. Tagaayos ng mga upuan at iba pang anek-anek. Pagkatapos nito, pinayagan na kong umalis ni Leia since tapos nang maorient ang mga empleyado.
Umalis na ako at nagcommute. Hindi kami nagusap ni Philip nitong nagdaang araw. Hindi ko alam kung bakit pero malamang nagluluksa pa rin. Ni-message ko siya.
To: Philip Augustus
Subject: Your Coronation
Honeybunch,
I hope you're ready for your coronation. I also hope you're ready to see me.
Yours,
Munchkin
Hindi ko na hinintay ang reply niya at binaling ko na lang atensyon ko sa mga nagagandahang mga building dito sa Luxembourg. Nakarating na ko sa simbahan kung saan idaraos ang coronation ceremony ni Philip bilang bagong Grand Duke ng Luxembourg. Buti na lang konti pa lang ang media na narito. Pinapasok na ako kaagad ng guard nang pinakita ko sa kanya ang invitation. Umupo ako sa assigned seat ko na four church chairs ang layo ko mula sa harap. Naroon na rin si Princess Victoria at Grand Duchess mother Catherine na obvious na inaayos ang lahat para sa bagong Grand Duke. Unti-unti nang napupupuno ang simbahan ng mga nobles (dahil may pakemeng flaglet sila) at mga mahahalagang personalidad ng Luxembourg (mukhang mga businessman at artista ang iba). Ini-entertain naman sila ng mag-ina. Dumating din ang iba pang European royals at may bonggang pag-announce pa ng pangalan nila.
BINABASA MO ANG
Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)
Ficção GeralA diploma. A career. A life to make it a wonderful creation. Derrick Breckenridge is a college graduate. Felt like he's being controlled by people around him, he creates his own destiny by working abroad. With this, Derrick has the power to contro...