4 months. 4 months kaming nagtagal ni Derrick at 4 months pagkatapos ng kasal nila, nandito ako ngayon sa isang middle school to teach them about World Literature. Sa apat na buwan na 'yon, madaming happenings ang nangyari. Since tago naman sa lahat na buntis ang Grand Duchess the day na kinasal siya kay Philip, kunwari may pa-honeymoon chuva sila at one week after that, doon lang inannounce na buntis siya. Nagdiwang ang buong Luxembourg at mga fans ng royal family sa ibang parte ng mundo sa pagbubuntis niya. Hindi nila alam, matagal na siyang buntis. Sinimulan ng Chamber of Deputies ang suggestion ni Philip na magkaroon ng consulate ang Luxembourg sa Pilipinas and vice versa. Sinimulan din nila ang diplomatic relations to the Philippines.
Nandito rin ang mga frennies ko na sina Louie at Irish. Nakuha kasi si Irish as model ng European-based modelling company at dito sa Luxembourg ang headquarters ng modelling company na 'yon kaya madalas kaming magkita. Si Louie naman ay nagtatrabaho sa teatro na pinasukan ko. Siyempre, may recommendation ko 'yon kaya tanggap siya agad. Kaso sa production staff siya nalagay as Head Designer kaya hindi niya katrabaho sila Christina.
Speaking of teatro, nagmemessage pa rin sakin si Christina about sa mga achievements and drama niya sa life. Minsan, nanghihingi ng advicee kapag may LQ sila ni Guillaume. Minsan, nag-aaya ng gala and so on. Masaya naman siya sa life niya. Wala naman akong nabalitaan kay Lewis except na professional pa rin daw ang trato niya sa lahat (according kay Christina). Wala naman na kong narinig na balita about sa ex-boss kong si Leia. Hands-on pa rin daw as head ng playwrights.
After ng kasal, umalis kaagad ang mommy at daddy ko para asikasuhin ang mga naiwan nilang trabaho sa Pilipinas pero binigyan si dad ng honorary seal of arms as part ng Luxembourgish nobility. Siya ang head ng House Breckrenridge (as honorary title) at binigyan siya ni Philip ng isang house and lot outside Luxembourg City. "Sir" ang tawag sa kanya at "Madame" ang tawag kay mother. Since wala siya, sakin napunta ang honorary title na "Head of House Breckenridge" at may letter siyang pinirmahan para patunay na ako muna ang hahawak ng titulong 'yon at ako ang may-ari ng house and lot na 'yon. No choice ako kaya need kong lumabas ng Luxembourg City kahit alam kong mahihirapan ako ng slight sa byahe.
Speaking of Philip, very maalaga naman siya sa sister ko. Minsan, as head of House Breckenridge at kapatid ni sister, kailangan ko siyang alagaan. Minsan, sinasabi niya na hindi ko na kailangan ng tulong mo. Sasagutin ko naman ng kakamustahin ka lang. Tatahimik na siya nun. Hindi na ko tinatawag na munchkin ni Philip at brother na ang tawag sakin o di kaya bro. Okay naman na ko dun. Thanks to my friends for helping me to progress to move on. Wala na ang awkward moments na titigan with hidden feelings on the side at iba pa. Kapag nagdasampi ang mga balat naming, wala ng sparks katulad ng dati.
Nag-ring ang school bell and that means tapos na ang oras ko sa klase ko. Nagpa-exam ako sa mga estudyante ko at pinasa na nila ang papers nila at umalis. Tumingin ulit ako sa official portrait ng Grand Duke at Grand Duchess sabay alis sa room ng mga bata dala ang test papers nila.
BINABASA MO ANG
Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)
General FictionA diploma. A career. A life to make it a wonderful creation. Derrick Breckenridge is a college graduate. Felt like he's being controlled by people around him, he creates his own destiny by working abroad. With this, Derrick has the power to contro...