Decree 11

2.5K 78 2
                                    

Gumising na ako ngayon para sa charity na pupuntahan ko sa Royal Palace ng royal family. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko. Nag-file na ako ng leave of absence ko kay Leia at nag-prepare na para sa charity. Kinuha ko na ang suit ko at inayos ko na ang sarili ko. It's been a week since nakita ko si Philip. Himala rin na hindi siya nagmemessage sakin ng isang linggo. Malamang busy. This last week, wala akong ginawa kundi manood ng TV shows sa Netflix at balita sa local news nila. Wala naman gano'ng balita about sa royal family. May binigay na statement si Philip about sa kumalat na pictures namin sa internet at naibalita pa sa national TV ng Luxembourg. Sabi niya, friend niya daw ako at napaka-malisyoso ng nagpost ng litrato para siraan siya at ang kanyang pamilya. Naisip ko na huwag na lang pumunta sa charity kaso nakakahiya. Nagdrive na ako papunta sa Royal Palace. Ilang minuto lang ang tinagal ko sa traffic kaya nakarating ako kaagad. May pila papasok sa Royal Palace kaya nakipila na ako.

Medyo nakaka-intimidate mga tao rito. Mga mayayaman na tao at may mga matatanda rin na nakikipila na alalay ng mga anak nila or katulong. Ito siguro ang beneficiaries ng charity niya. Matapos ang ilang minuto,pinapasok na ko ng makita nila ang invitation. Nilabas ko ang phone ko at ni-message si Philip sa email.

To: Philip Augustus

Subject: Where Art Thou?

Your Highness,

Where are you? I'm already here.

Yours,

Derrick

Hindi kaagad sumagot si Philip kaya umupo muna ako sa seat na pinakamalayo sa harap. Maraming mga maykaya dito sa Luxembourg. Walang naghihirap, walang mabaho at walang pollution. Tumunog ang phone ko. Sa wakas, sumagot rin.

From: Philip Augustus

Re: Where Art Thou?

Derrick,

I'm already here at the palace. Stay put where you are.

P.S.: You look so cute in your suit.

Yours,

Philip Augustus

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti sa sinabi niya. Ngayon lang ako nakatanggap ng compliment mula sa mga taong katulad niya. It's an honor. Lumingon ako kung nasaan siya kaso wala naman. Baka sa ibang way dumaan. Kinibit balikat ko na lang kung wala siya. Maya-maya, umayos na ang mga bisita at umupo na sa mga assigned seats nila. Ang mga matatanda ay nasa harap at mga alalay at invitee ay nasa likod nila. Buti na lang nasa dulo ako at konti lang ang mga katabi ko. Mga mayayaman din sila pero hindi ko na sila pinansin. May lalaking nagsalita at mag-uumpisa na ang program. Maraming pa-arte ang program. May prayer at may singing of national anthem pa. Maya-maya, dumating na si Philip. Oh my God. He's so handsome in his suit! That bowtie rocks! Kumaway siya sa mga tao at kinalat ang tingin niya sa mga tao at tinitigan ako at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya. Nagsalita na siya ng speech niya. Pinasalamatan niya ang mga pumunta sa charity. Binigyan niya ng emphasis ang purpose ng mga elderly sa Luxembourg. Habang nagsasalita siya, napaisip ako:

It's been a long time since I first saw him and I got attracted to him. It's been almost a month that I first talked to him and a week after that I became close to him. I gotta admit, I'm attracted to him in his physical appearance and I'm amazed at his attitude of being adventurous. But when I'm getting attracted to Philip, I always shake it off. Am I denying myself of my true identity? I don't know. Am I gay? No. I got attracted to girls like Christina. So, that means I'm a bisexual? Probably. Am I ready to have a relationship after my 21 years of existence? It depends upon fate and time.

Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon