Bakit siya? Iyan lagi ang nasa isip ko ngayon. Siya ang lalaking sumanggi sakin habang pabalik kami ni Lewis sa teatro. Binuhusan pa niya ako ng kape at kinompronta namin sya. Who would have thought that the guy I bumped into is the Crown Prince of Luxembourg? Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa kanya. Kaya pala ang iba ng karisma niya ng masanggi niya ako. Kaya pala andaming taong nakiusyoso kasi siya ang tagapagmana ng trono ng Luxembourg. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko. Tangina. I just watched the play even though I'm a little bit distracted. Tinignan ko si Lewis at nanood lang din siya ng play. Hindi ko nakita kung nagulat ba siya kay Philip o baka nag-play dead lang siya at nakalimutan niya si Philip.
Minutes have passed and the play ended. The actors bowed and the whole production staff has been called. First, the post-production team was called, then the production team itself and the last, the pre-production. Tinawag pa isa-isa ang pangalan namin. Umakyat kami sa stage at pinalakpakan kami ng royal entourage. Tumingin ako kay Philip Augustus na katabi ng tatay niya. Fuck. Nakatitig siya sakin at umiwas ako ng tingin sa kanya. Umalis na kami sa stage at bumalik sa kanya-kanyang upuan. Tumayo si Philip, or should I say, Prince Philip para magbigay siguro ng mensahe ng Grand Duke at yun nga ang nangyari.
"Hey, guys. I came here to deliver the message of His Majesty to the representatives of Luxembourg Theater Actor's Guild."
Napataas ako ng kilay sa ginawa niya. He seems like very down to earth. Ang commoner niyang kumilos. O baka nakalimot siya sa duty niya as tagapagmana ng trono? I shrugged off my thoughts. Nagpapasalamat ang hari sa efforts namin na mag-perform sa kanila. Na-appreciate din ng hari ang kwento at nais niya na ilapit ang royal family sa mga tao ng Luxembourg at sa mga immigrant na katulad namin. Habang binabasa niya ang letter ng tatay niya samin, umalis na ang tatay niya kasama ang asawa niya. Tumitingin din siya sa gawi namin at sa mga kamag-anak niya sa harap at sa iba pang staff namin na nakakalat sa audience seats. Nang matapos na ang speech, pinalakpakan siya ng mga tao. Matapos nito, inayos na kami ni Sir Lee para sa pagbibigay niya ng announcement. Nasa labas kami ng theater room at nagbigay lang ng announcement si Sir Lee.
"The actors made a good performance. The royal family appreciated the work of Lewis." binigyan namin ng palakpak si Lewis at tumuloy na sa pagibibigay ng announcement.
"I know this company is very young and very fresh. And the king, the Grand Duke wishes us to become more successful and to let us become the official national theater actor's guild of Luxembourg!"
Napa-OMG at nanlaki ang mata namin sa announcement kaso binawi kaagad ito ni Sir Lee.
"But before we reach that, the king asked for requirements..."
Mahirap din pala ang requirements. Kailangan muna naming makilala at kailangan ay about sa Luxembourgish culture ang play namin. Pwede kaming magsingit ng ibang play na gusto namin pero twice a month lang. Kailangan din dapat ay 25% ng theater's guild ay mamamayan ng Luxembourg. Eh, konti nga lang Luxembourgish samin at bilang mo pa sa mga daliri mo ang bilang nila and the rest are immigrants. Okay naman na daw ang quota sa mga Europeans. At 50% ang quota ng hari sa mga immigrants.
"Sir, is there a risk that those immigrants who work in this guild will be left jobless?" tanong ni Lewis na nagbigay ng alinlangan sa karamihan. Tumahimik ang lahat at nagsalita si Sir Lee.
"Sad to say, Lewis is right."
Nagreklamo na ang mga katrabaho ko. Ngunit napatahimik sila ni Sir Lee. Nangako naman si Sir Lee na bibigyan sila ng company na pwede nilang pasukan. Sinabi din niya na hindi naman kaagad kukunin ng hari ang kumpanya dahil kailangan munang pumasok sa standards ng hari ang teatro kaya may itatagal pa kami. Habang nagsasalita siya, binati niya si Prince Philip.
BINABASA MO ANG
Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)
General FictionA diploma. A career. A life to make it a wonderful creation. Derrick Breckenridge is a college graduate. Felt like he's being controlled by people around him, he creates his own destiny by working abroad. With this, Derrick has the power to contro...