Nandito ako ngayon sa harap ng convenient store kung saan ako kumakain ng almusal. Instant ramen ang kinakain ko rito at nasanay na ako na ganito lagi ang kinakain ko na walang kanin. Habang kumakain ako, binuksan ni ateng cashier ang tv ng convenient store at nilagay niya ito sa balita. Tumalon ang puso ko ng makita ko si Philip. Nasabi sa balita ang pagdalo ni Philip sa festival of lights kagabi kung saan sinindi niya ang isang malaking lantern na may logo ng royal banner ng Luxembourg. Nando'n rin sa festival of lights sina Princess Victoria at Count Alexander. Inimbitahan ako ni Philip sa festival na 'yan kaso hindi ako pumunta kasi busy ako at hindi na ko pinayagan ni Leia na makapag-leave pa sa trabaho.
Kahit nasa TV si Philip, ang gwapo niya pa rin. Minsan, naiisip ko na napakaswerte kong nilalang na umibig ng isang may dugong bughaw. At hindi ko inasaha na ang taong 'yon ang bubukas sa sarado kong puso. Hands-on at seryoso si Philip sa pagganap niya ng tungkulin bilang Grand Duke. Nagbigay siya ng message kaso hindi ko naintindihan. At doon na natapos ang balita tungkol sa kanya.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain sa ramen ko at uminom ng tubig at dumiretso kaagad para magcommute. Buti na lang at wala akong trabaho ngayon dahil may napili ng play ang teatro. Matagal pa ang meet-up namin ni Christina dahil lunch pa ang break niya kaya dumiretso muna akong park. Mabilis naman ang biyahe dahil sa sinakyan kong cub. After ng ilang minuto, nakarating ako kaagad sa park.
Tahimik at napakatiwasay ng paligid. May mga lumilipad na mga paro-paro at humuhuni ang mga ibon. May mga nagja-jogging sa paligid at ang iba naman ay naglalatag ng kanya-kanyang mga set-up para sa morning snacks. Dahil kakakain ko lang, sinubukan kong imessage si Philip.
To: Philip Augustus
Re: Good Morning, Honeybunch
Rise up and shine, sleepyhead!
Apologies if I was not able to attend in the festival.
Yours,
Munchkin
I hit send. After messaging him, I decided to read an ebook about mythology and folklore. Wala pa nga sa isang paragraph ang binabasa ko, nagmessage na siya.
To: Derrick S. Breckenridge
From: Philip Augustus
Re: Good Morning, Honeybunch
Thanks for a nice way to start my day! I feel energetic already.
Nah. Don't mind it and it would stir curiosity to the media and of course, to my cousin Alexander.
Yours,
Philip the Handsome
P.S.: I wish you're here by my side. I miss your scent and kissing your head while you're asleep.
Kinilig ako sa nabasa ko. Hindi ko maiwasang mapangiti kahit sa simpleng basa lang ng email niya. Naririnig ko ang boses niya habang binabasa ko ang email niya. Nagreply ako sa kanya.
To: Philip Augustus
Re: Good Morning, Honeybunch
I hope you already had your breakfast. I hope you eat yours.
Yours,
Munchkin
Sinend ko na ang email. Wala pang isang minuto at may reply na siya kaagad.
To: Derrick S. Breckenridge
From: Philip Augustus
Re: Good Morning, Honeybunch
BINABASA MO ANG
Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)
General FictionA diploma. A career. A life to make it a wonderful creation. Derrick Breckenridge is a college graduate. Felt like he's being controlled by people around him, he creates his own destiny by working abroad. With this, Derrick has the power to contro...