May kabilisan ang flight ko mula Brussels papuntang Luxembourg. Binasa ko na lang ulit yung dalawa kong libro na dala ko para hindi ako ma-bored habang nasa biyahe. Sa flight pa lang, makikita mong world class na ang serbisyong kanilang ibinibigay. Hindi ko namalayan na nakalapag na ang eroplano sa Luxembourg. Bumaba na kaming mga pasahero at ako naman ay pumunta sa arrival area ng airport at nagtanong kung saan ang kapitolyo ng Luxembourg City. Yep, the country has its same capital name.
May binigay sa aking mapa ang babaeng naka-assign sa information booth ng airport at bumiyahe na ako papunta sa napili kong bahay na uupahan ko. Yep, bahay ang napiliko para makamura ako. Ngayon na din ako magrereport sa kapitolyo ng Luxembourg City para wala na rin akong problema. Bukas ako magrereport sa boss ko para ma-inform na ako sa trabaho ko. Playwright ang kinuha kong trabaho dito at sa teatro ako magtatrabaho. Makalipas ang ilang minute, nakarating na ako sa isang simpleng bahay at may nakita akong nakalagay na Chambre à Louer na signage na ibig sabihin sa French ay room for rent. Siguradong mapapasabak ako sa French nito.
Dahil walang gate, kumatok na ako sa pintuan. Bumungad sakin ang isang may edad na babae. Lumabas rin ang isang teenager na babae.
"I'm looking for a room to rent."
Tumango lamang ang matandang babae at sumunod sa kanya yung teenager. Umakyat na kami papunta sa 2nd floor. Nagumpisa nang magsalita yung matandang babae pero hindi ko maintindihan dahil French ang sinasalita niya. Paisa-isang salita lang ang naiintindihan ko. Nang mapansin siguro nang teenager na babae na nahihirapan akong intindihin ang sinasabi ng nanay niya, trinanslate niya ito sa English pero halatang may accent siya.
"My mother said that there is only one room vacant for rent. The other one is already occupied by a German national. The other two were reserved for the family members. My mother asked if what country are you from? She told you that you looked like an American." sinagot ko naman agad siya.
"Je suis venu des Philippines"
May sinabi ang matanda at trinanslate naman ng bata na hindi halatang Pilipino ako dahil mukha akong Kano. Well, may lahi yung magulang ko eh. Pinaliwanag sakin ng landlady ko na 500 euros ang upa sa kwarto kasama na ang ilaw at tubig. Nag-down naman na ako kaagad sa matanda at nagpasalamat siya. Binigay niya rin ang susi pagkatapos. Nagpakilala siya as Madame de Vernaulle at Marina ang pangalan ng anak niya.
Simple ang design ng kwarto ko. Parang standard hotel room ang dating niya bawasan lang ng size yung kwarto dahil may kaliitan ito. Kasya ang dalawang tao sa kwarto. Nilapag ko ang mga gamit ko. Mamaya na lang ako mag-aayos. Bumaba na ako at umalis papunta sa kapitolyo ng Luxembourg City. I'm so amazed na maganda ang kapaligiran ng siyudad nila. Malinis ang lahat ng parte ng siyudad. Hindi naman matagal ang biyahe papunta sa kapitolyo at nakarating naman ako kaagad.
Nagtanong ako sa information kung saan ang Medical department nila at tinuro naman sakin ang way. Wala akong inaksayang oras at dumiretso na ako. Pagdating ko, ako lang ang magpapa-exam. Required kasi ang pagpapa-medical examination sa mga foreigners. Mabilis rin naman ang proseso ng medical exam. Pagkatapos nito, bumalik na ako sa kwarto ko. Nagsend na rin ako ng email sa boss ko na bukas ko sisimulan ang orientation at first day ng trabaho ko. Tatawagan ko sana sila mama kaso gabi na sa Pilipinas kaya nag-iwan na lang ako ng message sa kanila.
Nag-ayos na ako ng gamit ko at sarili ko para sa unang trabaho ko ngayon. I'm excited at the same time ay kinakabahan na rin. Pumunta na ako sa address ng teatro. Pagpasok ko sa nasabing teatro, maganda ito at maluwag. Nagtanong ako sa staff doon kung nasaan ang meeting room ng teatro. Tinuro naman nila ito at pumunta na ko doon. Kumatok muna ako at bumungad sa akin ang 11 tao na nakaupo rin. Mostly, mga European ata ang natanggap. Matapos ang ilang minutong paghihintay, dumating na rin ang boss namin.
"Good morning, I'm Sir Lee and executive manager of this theatre." bati niya. Isa-isa kaming nagpakilala. Sa 12 na nagpakilala, 7 ang European, 2 ang Kano, 2 ang Latino at ako lang ang nag-iisang Asyano. Hinati na kami ng manager namin according to our jobs. Buti na lang may kasama akong katrabaho ko sa playwright, Lewis name niya.
"Hey, you're Derrick, right? I'm Lewis, by the way." pakilala niya.
"Yeah, I am. You're from the US?" tanong ko.
"Yes. I'm from Pennsylvania. I bet you're from Philippines – in Manila, right?" tumango ako bilang sagot. Pumasok na kami sa room ng playwright at may tao na agad do'n. Nagpakilala kaagad sila samin.
"Hello, guys. I'm Leia, the head of Playwrights Department of this theatre and this is Christina."
Medyo may edad na rin si Leia. Pero si Christina, mukhang fresh graduate ang itsura niya. Nakatitig lang ako kay Christina nang matagal at hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ni Leia.
"Derrick, are you here?"
"Yes, ma'am." sagot ko naman. Ngumiti sakin ng nakakaloko si Lewis at nakinig na rin ako sa mga dapat naming gawin. More on rules and regulations lang naman pala ang gagawin. Matapos nito, pumunta na kaming dalawa ni Lewis sa cubicle namin. Inayos ko ang cubicle ko. Magkatabi kami ng cubicle ni Lewis. Apat lang kaming playwright dito sa teatrong ito.
"Hey, Leia told us that we need to write a play now!", sabi sakin ni Lewis.
"What?"
"We need to create a play now. A play that is very unusual for our time." Medyo may kabang sabi ni Lewis. Tumango na lang ako at nagsimula na akong magtrabaho. I think I'm gonna love my job.
My mind wanders as I write my play. My play is set on an alternate reality where Axis Powers won WW2. I have written few plays and novel during my high school and college days. Hindi ako na-inform na apat lang kaming playwright at kailangan dapat makabuo kami ng isang play sa isang linggo. Pagpipilian pa ng director, manager at executive staff ng teatro ang ginagawang play namin. Matapos ang apat na oras na pagtatrabaho, nagkaroon kami ng isang oras na break. Tumayo na kami pareho ni Lewis. I gave Christina my most beautiful smile. Ngumiti siya pabalik sakin.
Naglakad kami pareho ni Lewis palabas ng staff room at dumaan kami sa shortcut kung saan diretso ang daan palabas ng teatro. Nakalabas naman kami kaagad at nakita namin ang isang convenience store sa may kanto ng kalsada. Pumasok kami roon. Umorder din naman kami kaagad ng pagkain ni Lewis at umupo sa isang tabi.
"What's the theme of your play?" tanong ko kay Lewis.
"It's about an American who fall in love with a British monarch." ngiting sagot niya. Hmmm, maganda ang play niya. Suntok kasi sa buwan kung ang isang taga-Britanya ay magpapakasal sa isang Kano. Well, you know, USA is a colony of Britain and the rest is history.
"How about yours?" balik tanong niya.
"Mine is all about alternate history. When the Axis powers won WW2." Sagot ko sa kanya sabay kain ng pagkain ko. Pinuri naman niya ako at kumain na rin siya. Pagkatapos nito, umorder pa siya ng pagkain at binigay ang isa sakin. Sabi niya treat niya daw dahil break pa naman namin. Habang kumakain, nag-usap kami. Ako ang nag-umpisa ng topic.
"Lewis, how's your life before you got here." Ngumiti ulit si Lewis at nagsimula sa kwento niya.
"Just a simple boy from Pennsylvania, I have two younger sisters and I'm the lone son of my parents."
"Is that it? That's too short!" natatawa kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya at nakitawa na rin.
"Yeah, it's short. It's gonna be dramatic if I'm gonna tell it to you all the details."
Ngumiti ulit si Lewis. Pansin ko sa kanya, lagi siyang ngumingiti. I really liked that attitude of him. Pang-pinoy ang datingan. May itsura din namang itong si Lewis. Medyo malaki ang pangangatawan at pang-model ang awra niya. Tumingin ako sa relo ko at 5 minutes na lang ang natitira sa break namin. Tumayo na kaming pareho at binilisan ko ang paglakad ko papunta sa teatro. Hindi ko namalayan na naunahan ko na si Lewis. Dahil sa pagmamadali, hindi ko namalayan na nasanggi ko ang isang lalaki at naibuhos niya sakin ang dala niyang kape.
Fucking great.
BINABASA MO ANG
Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)
General FictionA diploma. A career. A life to make it a wonderful creation. Derrick Breckenridge is a college graduate. Felt like he's being controlled by people around him, he creates his own destiny by working abroad. With this, Derrick has the power to contro...