Decree 4

3.6K 100 1
                                    


Hinarap ko ang lalaking sumanggi at nagbuhos sakin ng mainit na kape sa damit ko. Malamang, isang European ang isang 'to at naka-suit up pa ang mokong habang naglalakad sa kalsada.

"Why did you spill your coffee over my clothes?!" tanong ko sa lalaki. Natawa ang lalaki. Nakuha pang natawa ni mokong sa ginawa niya.

"Well, it's you who ran to me and it's your fault why I spilled my coffee to you!" hindi ko ineexpect na tama ang irarason niya pero hindi ako nagpahalata. Tinuloy ko pa rin ang pagharap sa kanya.

"How about my clothes?"

Hindi ko namalayan na nandiyan na pala si Lewis at siya na nag-alok ng extra shirt niya sakin. Sinagot niya rin ang lalaking kinakausap ko. May mga tao ring tumitingin sa gawi namin pero wala akong pakialam.

"Next time, be alert while walking!"

Iyan lang naman ang sinabi niya sa sa lalaking bumangga sakin. Lakad-takbo ang ginawa naming pabalik sa teatro. Tinapunan ako ng tingin ng guard dahil sa itsura ko. Pumunta kami ni Lewis sa CR at doon na ako nagpalit ng damit ko. Buti na lang kumasya ang damit niya sakin. Pumunta na kami sa opisina namin ni Lewis at pinagsabihan kami ni Leia na huwag nang mapa-late sa trabaho.

Bumalik na kami sa kanya-kanyang cubicle at nagsimula na akong magtrabaho. Naisip ko ang lalaking nasanggi ko kanina. Medyo maamo ang mukha niya at halatang pang-mayaman ang datingan. Aba't balbas sarado din katulad kay Lewis! I shook my head to ward off those thoughts. Tinignan ko si Christina at napangiti dahil sa kanya. Nagpatuloy na ako sa paggawa ng play.

Natapos na ang trabaho namin. Maganda naman ang naging feedback niya sa performance ng trabaho namin. Sinabi ko kay Lewis na ibabalik ko yung damit niya bukas kaso sabi niya huwag na daw. Regalo niya na lang daw sakin. Sumakay ako pabalik sa boarding house ko. Medyo nakakapagod ang magtrabaho kahit first day ko lang ito. Buti na lang mabilis ang daloy ng traffic dito sa Luxembourg. Nakarating din naman ako kaagad sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Dahil 5:30 ng hapon na dito sa Luxembourg, malamang 12:30 na ng hatinggabi sa Pilipinas. Tinignan ko kung sino yung online at buti na lang online si Irish. Nagvideo-call ako sa kanya at nag-usap kami.

"Hello, Derrick! Kamusta ka na? Na-miss na kita!" bati ni Irish sakin.

"Ayos lang ako dito. Pagod ako sa trabaho pero okay lang!" ngiting sagot ko sa kanya. Sa huling video call ko sa kanya, may itatanong dapat siya sakin kaso nag-network failure ang data ko kaya tinanong ko siya about it.

"Ano nga pala yung itatanong mo sakin no'ng nasa airport ako, Irish?" tanong ko sa kanya. Medyo kumunot ang kilay niya at napangiti.

"Ah, oo natatandaan ko. Huwag kang magagalit ah." kabang tanong niya. Anong magagalit? For what?

"Hindi ako magagalit." I assured her. Napangiti naman siya at nagtanong siya.

"Are you gay? Or bisexual?" Nagulat ako sa tanong niya at napaisip. Kaya naman pala sinabi niya na bakit wala akong pinapansin sa mga babaeng nagkakagusto sakin. I told her my honest feeling about sexuality.

"You know Irish, I never questioned my sexuality since my birth. I never questioned my sexuality until now." Kinwento ko sa kanya kung papaano ko na-attract kay Lewis at sa lalaking nakabangga ko kanina. Kinilig naman ang babae.

"Siguro, na-attract ka kay Lewis dahil sa humor niya at diyan nag-uumpisa karamihan ng mga relasyon pero alam kong simpleng attraction lang ang nakita mo sa guy na nakabangga mo." pagpapaliwanag ni Irish. Kinwento ko rin sa kanya si Christina. Nagulat pa si Irish.

"Bakit naman tatlo? Aber. Kung ma-attract ka, kailangan dapat isa lang, hindi yung para kang contest na more entries more chances of winning!"

"Hindi ko alam. I'm so confused right now. Sa ngayon, I'm a guy. A heterosexual maybe. Malay mo simpleng attraction lang 'to at lilipas din 'to."

Inasar lang naman ako ni Irish at siya mismo nangako na samin lang muna ang pinag-usapan namin. Napahiga ako at napaisip. Posibleng totoo ang sinabi ni Irish at posible ding hindi. Kahit matagal ko na itong suot, ang comfortable ng damit ni Lewis or should I say damit ko. It smells like that of the suburbs. Mala-probinsya. I shook my head to ward off Lewis out of my head ang slumbered myself to rest.

Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon