Decree 5

3.7K 93 1
                                    

Naging simple lang naman ang takbo ng buhay ko ngayon sa trabaho. Sabi ni Leia, nagrerecruit na ang executive staff para sa karagdagang personnels ng teatro. Inaasahan din daw ng mga executives na magiging maganda ang play na pinasa namin nitong nagdaang araw. Well, sana hindi sila mag-expect masyado. Mahirap din kasing gumawa ng play lalo na't hindi ganon ka-mainstream ang ginagawa namin. Matapos ang apat na oras na trabaho, nagbreak time na kami. Niyaya ko si Christina na mag-lunch.

"Hey, Christina! Do you wanna take a lunch with us?" Ngumiti si Christina at tinanggap naman niya alok ko. Naglakad kami papunta sa convenience store. Bumili na kami ng pagkain at kumain na kami... at nagkuwentuhan.

Kinuwento ni Christina kung papaano siya nagging deputy ni Leia at kung paano siya nag-umpisa sa trabaho niya sa teatro.

"Being a playwright was very stressful for us back then. Leia was the deputy back then to an old man. That old man was very strict to us when it comes to submission. A play should be submitted every 3 days."

Napanganga kami do'n ni Lewis kaya nagreact siya.

"Really?! That old man is abusive!" Tumango kami pareho ni Christina as we agreed to Lewis.

"Abusive it is. Until that old man becomes sick and unable to handle work so Leia takes over as the new head and chose me as her deputy."

Wala naman na kaming nasabi ni Lewis sa mga nakwento niya. Kung gano'n masuwerte pala kami kay Leia. At masuwerte ako gnayon dahil kasama ko si Christina. Ako naman ang nagsalita.

"So, we are very lucky that Leia becomes the head of our department and extends the day of submission per a play, right?"

Tumango si Christina at tumayo. Nagpaalam na siya samin dahil marami pa siyang dapat asikasuhin as a deputy to the head. Umalis na siya sa convenience store at si Lewis naman ang kinausap ko. Napansin ko kasi na tahimik siya habang kasama naming si Christina papuntang convenience store. Kanina lang sya nagsalita nang magkuwento na si Christina about sa trabaho.

"Nothing. It's just that... I'm not used with her presence when we're eating lunch."

What? Hindi ko siya maintindihan. Bakit hindi siya sanay sa presence ni Christina eh araw-araw naming siyang katrabaho? Pansin ko rin na hindi siya ngumingiti unlike the previous days,

"What do you mean?"

"Nothing. Are you done with your lunch?" tanong niya sakin.

Tumango na lang ako at bumalik na kami pabalik ng teatro. Ang tahamik ng atmosphere naming ni Lewis. Siguro, may pinagdadaan ang isang 'to at ayaw sabihin sakin. Maybe, he needs some space? Pumasok na kami sa office namin at inannounce ni Leia na may meeting kami with the whole staff of the theatre sa meeting room. Pumunta na kami sa meeting room. Puno ang meeting room ngayon at nagsimula na ang meeting namin.

Sabi sa meeting, bubuo na ng production ang teatro para sa napili nilang play. Ang play ay ipapalabas daw one month from now. Nilinaw ng executives na ang pre-production staff ay papasok pa rin at ipagpatuloy ang ginagawa namin without any pressures. Tumayo na si Sir Lee, na executive manager ng teatro at siyang nagmeet samin back then, para i-announce ang napiling play ngmga executives at ni Leia.

"I hereby announce to you that the play we'll gonna use for our production is no other than the work of Lewis Rourke!"

Agad kong niyakap at binati si Lewis. Niyakap niya din ako pabalik. Kinwento na ni Sir Lee ang synopsis ng play niya at mukhang na-excite ang mga staff. Binanggit din ni Sir Lee na bibigyan siya ng maagang break ngayon basta kumuha siya ng isa niyang kasama. And guess who? Ako ang napili niya! Pinalakpakan naman siya ng staff at nagbigay na ng command si Sir Lee kung ano ang gagawin ng production staff. Matapos ang meeting, lumapit samin si Leia para batiin at bigyan kami ng go signal para sa early break naming ni Lewis.

"Congratulations, Lewis and to you also, Derrick. Both of you did a good job at writing. It's the executives who picked your work, Lewis. You should be proud!"

Matapos nito, umalis na kami ni Lewis from the theatre at sumakay kami papunta sa bar na malapit sa apartment na inuupahan niya. I think we need to celebrate the selection of the play. Masaya si Lewis ngayon at masaya rin ako ngayon. Sumakay na kami ng taxi papunta sa bar na sinasabi niya.

Despedida, it is.

Nakarating na kami sa bar na sinasabi ni Lewis na may kalapitan nga sa mga kabahayan. We hopped down and walked towards the bar. Medyo makulay ang bar at namumukadkad ang matitingkad na pailaw nito. Inunahan ako kaagad ng kaba. Siyempre, ano pa nga ba ang naiisip mo kapag bar ang nasa harap mo? Inakbayan naman ako ni Lewis at ngumiti siya sakin.

"Nervous?" tanong niya sakin.

"A bit." pilit ngiting sagot ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at naglakad na kami papalapit sa bar. Tinanong lang naitman ng guard kung ano ang edad namin at pinapasok na niya kami. Groovy and electronic music ang bumungad sa bar. May mga sumasayaw din na mga lalaki't babae at iba't-ibang klase ng mga tao ang naroon sa bar. May mga pumuntang gusting mag-unwind, may mga trippers din at naghahanap ng makamundong kaligayahan. Dumiretso na kami ni Lewis sa counter at umorder na ng beer.

Binigay naman kaagad ng bartender ang order namin. Ininom ko ang beer at nagulat sa lasa nito. Ang pait. Natawa naman si Lewis sa itsura ko na kinanuot ng noo ko.

"Why are you laughing?" tanong ko sa kanya.

"Your reaction is so priceless!" lalo siyang natawa. First time ko lahat tapos tatawanan niya ako. Tumayo na ako at akmang aalis nang higitin niya ang kamay ko.

"Wait, you're leaving? Come on, I'm sorry for laughing at you. It's just that...I'm shocked that you're no party guy."

His words hit me true at wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya. Pumunta kami sa isang sulok ng bar at doon kami uminom ni Lewis. Nag-usap kami ni Lewis habang umiinom.

"I remember when you asked me about my lovelife and I didn't answer because we were getting late for work?"

Tumango ako bilang sagot. Nagkuwento ulit siya at ngumiti.

"You know, there's this guy that I really love." Huminga siya ng malalim at naging seryoso na ang itsura niya.

"So, are you a bisexual?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkuwento.

"You know there's a guy I really love now. I don't know, it came through me all of a sudden. I made a relationship with a guy before but it's more of lust rather than the whole commitment itself to relations." Napangiti lang siya at patuloy lang ako sa pag-inom ng beer. It feels and taste so good to drink a beer. Ito ata ang sinasabing napapasarap ang inom. Nagkwento ulit siya.

"He's good at everything. It's just that he needs to be more comfortable with me. He needs to step out and explore things out of his comfort zone. Every time I close my eyes, it's only the image of him that I see. Nothing else." Wow. Iba naman pala kung magmahal si Lewis! Umorder na rin ako ng beer sa waiter para samin ni Lewis. Tumangging magpalibre si Lewis pero nagpumilit ako.

"Now, it's my turn but before that. One thing about your confession, you need to tell that guy and persuade him to explore the world. Try telling him that he needs time to get out of his comfort zone and be with you." tumango na lang si Lewis at kinwento ko naman sa kanya ang nararamdaman ko kay Christina pero hindi ko siya pinangalanan. Tumahimik lang si Lewis. Tinanong ko sa kanya kung ano masasabi niya sa confession ko. It took a minute for him to speak at naparami ang inom ko ng beer

"Just continue what you're doing." Iyan lang ang nasabi niya at uminom na ng beer. Bigla niyang hinigit ang kamay ko at yinayang sumayaw. Tatanggi sana ako kaso nasa dance floor na kami kaya sumayaw na rin ako. Hindi ko alam kung tama ba ng beer ang nagdala sakin rito at kung ano-anong step ang sinayaw ko. Nang nakaramdam na ako ng hilo, umupo na ako sa tabi at hinintay na matapos si Lewis.

May mga lumalapit saking mga lalaki't babae na alam kong landi lang ang hanap pero hindi ko sila inintertain. Tumayo ako at lalong umikot ang paningin ko dahil sa nainom ko. Natalisod ako at may humawak sakin. Tinignan ko ang taong humawak sakin.

Siya.

Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon