Inayos ko na ang sarili ko. Kung hindi pa sasabihin sakin ni Philip na inimbitahan siya ng teatro, hindi ko malalaman na ngayon ipapalabas ang play. Speaking of Philip, nagbibigay siya ng sweet emails sakin na sinasagot ko rin ng sweet messages. Sabay na ipapalabas ang Luxembourgish play at ang play ko. Nag-commute ako papunta sa teatro at nakarating naman ako kaagad. Pumasok ako sa teatro at naghahanda na ang mga production sa pag-aayos. Marami ring mga taong pumapasok at gustong manood ng play. Nagulat ako ng may kumalabit sakin. Si Christina pala.
"Oh my goodness! Derrick, I miss you!" sabi niya sakin at niyakap ako. "You didn't tell me you'll be spending your free time on yourself! I'm just here doing props and you know, deputy head duties." lumbay na sabi niya sakin.
"Well, I've talked with my friends in Manila and my family. Well, I guess I felt like I'm home." kwento ko kay Christina.
"I bet you're homesick?" Tanong niya sakin.
"Yeah, I am." sagot ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya kaso bigla kaming napansin ni Lewis.
"Hi, Derrick and Christina!" bati ni Lewis samin. Ang sigla niya ngayon. Tinignan ko si Christina at nagulat din siya sa inasal ni Lewis pero agad niya ding tinago ang expression niya.
"What did you do during our free time?" Pagbukas topic ni Lewis.
"Well, I talked with my friends and my family in Manila." Sabi ko sa kanya.
"My free time is a bit boring. You know, deputy head duties. How 'bout you? What did you do?" Tanong ni Christina sa kanya.
"I just watched movies and shit. The usual thing I always do." Sagot niya samin. Medyo blooming siya ngayon. Mag-uusap pa kami kaso pinaupo na kami ng mga usherer sa designated seats namin. Tinignan ko ang kabuuan ng teatro at jam-packed ang teatro.
Maya-maya, tumahimik na ang audience at nagsimula nang magsalita ang PA. Same shits pa rin naman ang sinasabi. Huwag I-record ang performance ng teatro among other things. Naputol ang announcement nang dumating si Philip.
"May I present to you the presence of this country's heir to the Grand Duchy, His Royal Highness, Prince Philip!"
Nakatutok ang spotlight sa naglalakad na Philip papunta sa assigned seat niya at kumaway siya sa mga tao. Pinalakpakan naman siya ng mga tao. Bigla naman akong siniko ni Christina at nagbigay ng mapang-asar na tingin. Na-gets ko naman ang point niya at ngumiti sa kanya. Habang nakikita ko siya ngayon, I can't feel anything but that feeling of being proud when he's there. Tipong gusto kong sabihin na boyfriend ko siya. Kaso I kept my mouth shut. Nagsalita pa ulit si PA at nagsimula na ang play.
Naunang pinalabas ang Luxembourgish play. Maganda naman ang play. Magaling magsulat ng play si Francheska. Nakakathrill ang gawa niya. Pinapakita ng play niya kung anong meron sa buhay ng isang ordinaryong Luxembourgish. Akala ko nga magtatagal ang play, natapos din kaagad after 30 minutes. May konting pakilala pa sa gumawa ng play at pinaakyat pa sa stage. Oh my God! Makikita ako ni Philip! Bumaba din kaagad si Francheska. Nagsimula na ang play ko.
Maganda naman ang naging performance ng mga actors sa play ko. Maganda rin ang mga props at mga costume na ginamit. May mga napansin akong mga binago at tinanggal na scenes pero okay naman na ako sa kabuuuan ng play. After ng play, pinakilala na ako sa audience.
"Now, let's see the man behind this wonderful play, Derrick Breckenridge!" Tumayo na ko at naglakad papunta sa harap ng stage. Lahat ng tao, nakatingin sakin. I gracefully walk towards the stage. Maraming tao ang nanood sa play ko. Hindi ako makapaniwala. Kumaway na lang ako ng bahagya. Nakita ko si Philip na nakatitig sakin. Oh my God. Buti na lang nagsalita ang host.
BINABASA MO ANG
Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)
General FictionA diploma. A career. A life to make it a wonderful creation. Derrick Breckenridge is a college graduate. Felt like he's being controlled by people around him, he creates his own destiny by working abroad. With this, Derrick has the power to contro...