Decree 14

2.1K 60 1
                                    


Lumipas ang ilang mga linggo pagkatapos ng gala. In the early weeks, nag-sorry ako kay Christina na hindi kami naging magkapartner sa gala. Nagulat ako nang sinabi niya na hindi ko naman kasalanan na hindi kami magkapartner sa gala. Kinwento niya sakin ang mga nangyari after kong umalis sa gala ng maaga. Naglango daw sa alak si Lewis. Buti na lang napigilan siya ng mga kasamahan namin at pinauwi. Sinuspinde siya ni Leia ng isang linggo kundi baka gumawa siya ng eksena. After ng isang linggo ng gala, bumalik siya sa trabaho namin at wala siyang pinansin kahit isa samin. Nagrereach out naman si Christina kaso pabalang lagi ang sagot ni Lewis. Kapag si Leia naman ang kumakausap sa kanya, okay naman. Very professional ang dating niya. Pinapansin niya lang si Francheska. Si Lewis ang talk of the town ng teatro ng isang linggo. After that, bigla na lang namatay ang issue sa kanya. Siguro pinagsabihan na lang ng mga head ng bawat department ng teatro na itigil na ang pang-i-issue kay Lewis. Para sakin, naaawa ako kay Lewis kaso he deserved that thing. Hindi lang naman siya ang na-issue. Ako din. Sinasabi nila na sayang daw si Lewis kasi gwapo daw. Sabi din ng iba na tama lang daw yung ginawa ko kasi hindi naman daw ako interesado kay Lewis. Hinayaan ko na lang ang issue at lumipas rin.

In the later weeks, lalo kaming naging sweet ni Philip sa email. Actually, he keeps on surprising me. He really surprised me a lot in our first monthsary. Binigyan niya ako ng email na pumunta sa residence niya. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nakabihis ako ng business attire at siya rin. Nginitian niya ko. Nagulat ko ng pinasakay niya ko sa passenger's seat. Wala siyang kasamang bodyguard. Ganito ang nangyari:

"You don't have any bodyguards?" tanong ko sa kanya that time.

"No, I don't. Besides, I want to cherish our first monthsary with you." Sabi niya sakin.

Umandar na ang kotse. Tumingin na lang ako sa paligid. Siguro, tensed din si Philip since first time niya ring magkaroon ng sitwasyon. Nang makita ko ang pamilyar na streets, alam ko na kung saan kami pupunta ni Philip.

"We're going to meet your parents?" Gulat na tanong ko.

"Aye, love." Medyo tensed na sagot niya. Kaya naman ang tahimik niya kanina pa. Kinakabahan din siya.

"So, you're telling them that we're a thing now?" Lakas-loob na tanong ko kahit alam ko naman ang magiging sagot niya.

"Just go with the flow, munchkin."sagot niya.

Nakarating na kami sa Royal Palace. Kay tagal na rin since huling nakapunta ko rito. Pareho kaming bumaba ni Philip mula sa kotse at naglakad ng konti papunta sa entrance ng palasyo. Pinapasok naman kami kaagad. Gano'n pa rin kaganda ang palasyo. Binati kami ng isa sa mga katulong nila. Naglakad kami papunta sa dining room at nandoon si Grand Duke Francis II at ang asawa niyang si Grand Duchess consort Catherine. Nando'n din si Princess Victoria.

"Hey, mom and dad." Ang casual ng bati niya sa mga magulang niya.

"Who's that man with you?" Tanong ni Francis sa anak niya.

"Dad, Mom, Sis. This is Derrick, my close friend. He's from the Philippines." Pakilala niya sakin sa pamilya niya.

"Your Majesties." Tungo ko sa kanilang lahat. Ngumiti silang pareho. Si Princess Victoria naman nakangiti sakin.

Tamang-tama at naghahain na sila ng hapunan. Umupo si Grand Duke Francis sa pinaka dulo ng lamesa. Malamang siya ang padre de pamilya, siya lang uupo do'n. Nasa kanan niya si Philip at katabi naman ako ni Philip. Nasa kaliwa niya si Catherine at Victoria. Kumain kami. May mas sasarap pa ba sa pagkain nila? Yun na ata ang pinakamasarap na pagkaing natikman ko.

Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon