Nagising ako sa piling ni Philip. Tumingin ako sa kanya na mahimbing na natutulog sa tabi ko. I looked at him. He is serene, calm and looks ruggedly handsome in his look. Naalala ko ang ginawa naming kahapon. Panay ang halik niya sakin. Hindi na rin kami nakapag-heart to heart talk sa isa't isa dahil sabik na sabik kami sa isa't isa. Napangiti ako do'n. Ako na ang pinakama-swerteng tao sa buong mundo. Never I have known na makakasama ko ang isa sa mga tagapagmana ng trono ng Grand Duchy ng Luxembourg. Unti-unti niyang binukas ang mga mata niya at binati ko siya.
"Good morning, honeybunch." Napangiti naman siya sa bati ko.
"What a nice way of starting this day, munchkin." Sabi niya at hinalikan niya ako sa labi. Sumagot naman ako sa halik niya until he stopped.
"We need to eat breakfast and not each other." Ngiting sabi sakin ni Philip. Bumangon na siya at kumuha siya ng towel pantapis sa ibabang bahagi ng katawan niya. Kinuha ko naman ang boxers ko para may maisuot din ako. Pagkatapos niyang magtapis, lumingon siya sakin at lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming bumaba papunta sa dining area. Umupo ako sa isang upuan at siya na ang kumilos para magluto.
Ang ganda ng umaga ko ngayon. It seems like ang sexy ng dating ni Philip dahil nagluluto siya ng nakatapis lang at... kakain kaming parehong naka-topless ang awra namin. Dahil naka-talikod siya sakin, kita ko kung ga'no kaganda ang back muscles ni Philip. Hindi ko alam kung prinsipe ba 'tong nasa harap ko o isa sa mga anak ni Zeus dahil sa sobrang ganda ng katawan. Naamoy ko na ang nilulutong almusal ni Philip. Amoy bacon. Lalo akong nagutom sa niluluto niya. He's just cooking simple breakfast pero ang sweet ng dating. I took my time looking at the environs where I sit. Tahimik ang kapaligiran at napakapayapa ng lahat. Natapos na rin si Philip sa pagluluto ng breakfast namin at inihain na niya ang pagkain namin. Nag-prepare din siya ng kape at kumain na kami pareho.
Habang kumakain kami, tumititig ako sa kanya at di ko maiwasang mapangiti sa magandang nilalang na nasa harap ko ngayon. Napakagwapo at... ewan ko ba. Nasa kanya na lahat ng magagandang adjectives na pwedeng i-describe sa kanya. I love how his lips move as he eats. I love how his eyes close as he eats his food. Habang tumititig ako sa kanya, nahuli niya kong nakatitig sa kanya. Napangiti siya at tumungo ako sa hiya. Gahd. Ang landi ko. Feeling ko kinikilig ako do'n.
"You're checking me out. But you look so much better now." Sabi niya sakin nng nakangiti. Aba, may nang-aasar ba siya? Well, ako ata ang hari ng asaran.
"You look so good today, munchkin" dagdag-asar pa niya.
"Really? I bet you want to make love to me in this dining table, honeybunch" husky na pang-aakit ko sa kanya. Ngumiti siya at sumagot sa pang-aasar ko.
"We need to finish eating this breakfast I prepared." Sabi niya at bumalik kami sa pagkain ng almusal namin. Ininom ko na rin ang kapeng hinanda niya na ngayon ay medyo lumamig na. Kahit papano, magigising naman ang diwa ko nito kasabay ng pang-aasar ni Philip sakin. Maganda ang mood naming pareho ni Philip ngayon. Ito ba ang sinasabing satisfactory mood after niyong gumawa ng milagro sa kama? Sana oo. Charot.
Makalipas ang ilang minutong katahumikan at pang-aasar sakin ni Philip na ginusto ko rin naman. Bigla siyang tumayo.
"Wait a minute. I forgot something," sabi niya sakin. Bakit kaya siya umakyat? Emergency siguro. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko sa almusal ko. Masarap ang luto niya ngayon. Well, innate na sa kanya ang magkarooon ng ganitong abilities para maging independent siya. Ininom ko naman ang kape na nasa tabi ng pinggan ko. Teka, bakit ang tanggal ni Philip? Uminom na lang ako ng kape at tumingin sa paligid. Ang ganda ng paligid. Tahimik at payapa. Makaka-concentrate ka sa mga naiisip mo. Maya-maya, biglang dumating si Philip.
BINABASA MO ANG
Under His Power (BxB) (MxM) (COMPLETED)
General FictionA diploma. A career. A life to make it a wonderful creation. Derrick Breckenridge is a college graduate. Felt like he's being controlled by people around him, he creates his own destiny by working abroad. With this, Derrick has the power to contro...