Chapter 7

1.7K 40 8
                                    

Chapter 7

Four months. Four months has passed already since the first time Ricci and I talked. Napakabilis ng panahon at natapos narin ang kanilang Season's finals. Too bad they lost, Ricci was devastated that time. Hindi niya ako tinantanan at para siyang bugnuting sanggol na hindi pumapayag ibaba ng ina at gusto laging sinasayaw. We talked for hours, more than three hours actually. That was the longest phonecall that I had.

Paikot-ikot na nga lang ang pinaguusapan namin and that was late night! Antok na antok na ako but Ricci didn't let me put the phone down.

Dinadaan ko na nga lang siya sa mga corny kong punchline para naman mapagaan ang loob niya. They didn't win but he is still the best for me. He improved a lot during this season and I think I can never be this proud.

We haven't seen each other in person yet. But as a gift for him since he got awards, nag-video call kami nung valentines day through FaceTime. Oo isinantabi ko muna ang pinakamamahal kong Cherry Mobile na naging dahilan ng pagkakakilala namin ni Ricci.

Pero satingin ko hindi rin nakatulong bilang pampalubag loob sa pagkatalo nila since he became more frustrated nung nagvideo call nga kami, tinatakpan ko naman ang mukha ko ng emoji pillow. Wala siyang magawa kundi magkamot ng ulo habang bumubulong-bulong na mura sa sobrang pagkayamot. I kept teasing him, paminsan-minsan ay sumisilip ako sa unan para makita ang ekspresyon niya. Dahil sa pagsilip ko ay nakikita niya ang mga mata ko. Kunyari pa nga siyang nakasimangot at naiinis pero hindi rin niya mapigilang ngumiti.

"Damn, girl. Ang lakas mong mambitin." Pagrereklamo niya kahit na tatawa-tawa naman siya ng mahina.

"Bakit? Eto na nga o, pinagbigyan na kita. FaceTime kamo diba?" Humalakhak ako.

"Tinatago mo naman mukha mo." He rolled his eyes. "Your eyes look pretty by the way."

"Tangina nahuhulog nanaman ako. Pakisalo please?" Pinagdikit niya pa ang mga palad niya at saka ngumuso. Aba nagmura pa! Dukutin ko yang nguso na yan e.

"Bat ganun? How you look is way different from the one you told me through text." Pumangalumbaba siya sa mesa at pinatong ang ulo sa kanyang mga kamay. "Ang sabi mo mataba ka at maitim, may malaking balat sa mukha. Tapos bansot. Ang layo naman sa itsura mo ngayon." Dugtong niya pa.

Malayo nga ang itsura ko sa deskripsyong binigay ko kay Ricci noon. I am far from being fat actually. My body is too curvy for my liking. Minsan nga pinipilit kong kumain ng kumain nang tumaba naman ako, pero mukhang ang mga kinakain ko ay napupunta lang sa boobs ko na masyadong malusog para sa edad kong ito! Naisip ko ngang ipatabas ito dahil nakakairita lalo na tuwing PE class, kung pwede lang sana ay ginawa ko na.

I have mid-length hair. My cheeks are a bit high na mas lalong nagpadepina ng aking maliit na ilong at ng aking maninipis at mapupulang labi. I'm very similar with Patty, minsan nga ay tinatawag pa kaming kambal ng mga kakilala namin. The only difference between us is that Patty is fair while I'm morena. I'm a bit taller than her too with a height of 5 foot 7.

"Hindi kasi ako ito." Biro ko. Nangangawit na ako sa pagharang ng unan sa mukha ko pero tiniis ko lang.

"Kilala ko boses mo, tigil-tigilan mo ako Elle, ha." Pagsusungit nanaman ng senyorito.

I laughed loud. "Eh kasi naman po kung ano-ano iniimagine mo. May Emma Watson kapang nalalaman jan." Inirapan ko siya. "It's better for you to expect for the worst than get disappointed kapag hindi mo na-meet ang expectations mo."

"Hmm. Sabagay, tanggap naman kita kahit ganun ang itsura mo." He winked.

"Ang landi mo ha, tigil tigilan mo ako." Ginaya ko ang tono ng pananalita niya kanina. He chuckled.

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon