Chapter 11

1.3K 42 6
                                    

Chapter 11

"Knew I'd find you here." Napaangat ang tingin ko sa taong nagsalita.

"Balik normal ka na nga." He smirked at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Mukha ba akong abnormal sa paningin mo?" I spat at him. Akala ko ba nasa syudad ako? Bakit may bangin nanaman dito.

"Hindi naman." Tumingin pa si Cliff sa taas na para bang nag-isip ng tamang sasabihin. "Yan. Iyan kasi ang normal na Elle na kilala ko. Wearing specs, hair tied in a messy bun, with book on her hands. Typical Zandria Lucielle."

Kumunot ang noo ko. "Pinagsasabi mo jan?" Pagtataray ko na ikinahalakhak niya. Muntik ko ng ibato ang libro sa kanya dahil sa ingay niya. Nasa silid-aklatan ho kaya kami!

"Ang sinasabi ko lang naman, finally hindi ka na mukhang nababaliw na pangiti-ngiti habang nakatitig sa telepono mo. Aba halos limang buwan karin nagmukhang timang no!" Panunumbat niya. "Kung ako lang dad mo, kinonfiscate ko na phone mo."

Agad ko siyang inirapan. "Dami mong satsat. Eto na nga o! Wala na akong hawak na phone." Sumimangot pa ako nang maalala kong isang buwan na pala mula nung mawala ang lintek kong sim card at napunta sa kung sino mang punyatera na yon.

Hindi parin naman ako tumitigil sa kakasend ng messages kay Ricci gamit ang bagong sim pero hanggang ngayon ay wala parin akong natatanggap na reply mula sa kanya. After a week nang mawala iyon ay pina-cut ko na ang plan. Aba! Ang swerte naman ng nakakuha non kung nakikinabang na nga siya, ako pa pagbabayarin niya!

"Mabuti rin pala ang naidulot nung nawala yung sim mo no?" Sagot ni Cliff.

"Ewan ko sayo, pwede ba bangin wag mo muna akong bwisitin ngayon? Kita nang busy pa ako o." Ipinakita ko sa kanya ang librong binabasa ko.

"Busy? Akala niya naman productive yang binabasa niya, e romance novel lang naman!" Pagpaparinig nito. "Napaka hopeless mo talaga Elle, hopeless lang pero hindi romantic! Wala kang kahit katiting na aura na nagsusumigaw ng romance o sweetness." Dagdag pa niya kaya tinignan ko siya ng matalim.

"Kita mo na kita mo na? Yang tingin palang nayan! Akala mo dragon na anytime magbubuga ng apoy. Pero lingid sa alam ng iba na ang ibubuga pala niyan ay isang mabahong hininga!" Lumakas ang halakhak niya. Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang galit. Ang kapal ng mukha ng isang to!

"Gonzales! Santander! Out of this library! Now!" Bulyaw sa amin ng librarian.

Agad akong tumayo at dinampot ang mga gamit ko saka dali-daling naglakad palabas ng library. Humingi pa ako ng paumanhin at yumuko dahil sa kahihiyan.

"Ang bobo din ng librarian minsan no? Sila madalas magsaway ng silence pero kung makasigaw daig pa nakalunok ng megaphone." Rinig kong sambit ni Cliff na nasa likuran ko pala. Hinarap ko siya at saka pinaghahampas ng bag.

"Nababaliw ka na ba talaga ha Cliff Immanuel?! Anong eksena yon! Bat napaka eskandaloso mo?" Ibinuhos ko lahat ng frustrations ko at patuloy siyang hinamapas.

"Aray ko naman Elle! Sino kaya satin ang eskandalosa ngayon?" Tanong niya at inilibot ang tingin sa paligid. Sinundan ko ang tinitignan niya at nakitang maraming estudyante ang nakatitig sa amin.

"Sorry guys, mainit lang ulo ni gf." Nakangising sambit ni Cliff sa mga tao at kumindat pa. Napapadyak ako sa inis at saka iniwan siya.

Agad naman siyang tumakbo para habulin ako at saka hinablot ang aking braso.

"Huy sandali lang sorry na!" Oo talaga, halatang sincere ang paghingi niya ng tawad dahil tumatawa tawa pa siya.

"Sorry? Sasabihan mo akong mabaho ang hininga, tapos ipapahiya sa library then sorry? Well then sorry too! Sorry for a friendship over!" Sigaw ko.

"Hala hala! Wala namang ganyanan beshy ko, nagbibiro lang naman. Ito talaga! Meron ka ba ngayon?" Painosenteng tanong niya na mas lalo ko lang kinainis.

"Oo meron ako ngayon! Meron akong gustong patayin! Alam mo kung sino? Ikaw!" Sigaw kong muli, binitawan ko ang bag ko at hinablot ang ulo niya para sabunutan. "Hayop ka Cliff, bestfriend ba talaga kita?" Bulyaw ko.

Pilit niyang inalis ang kamay ko sa buhok niya at agad akong niyakap para hindi na uli mahawakan iyon. Dinampot niya rin ang bag ko habang yakap parin ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Sorry na nga po, tara samahan mo ako sa mall. Libre kita, peace offering." Sambit niya na nagpakalma sa akin.

"Ice cream?" Tanong ko at tumango naman siya. "Oo na kahit ilang gallon pa yan."

Nanahimik na ako at inalis niya na ang pagkakaakap sa akin. Ganun lang naman ako kadaling kausap.

Actually hindi naman talaga ako galit sa kanya. Bigla ko lang naalala ang sim kong nawala at inisip ko nalang na sakanya ibuhos at poot sa kung sino mang kumuha non. Kawawang bangin! Di bale at mahal naman ako niyan.

Dinala niya ako sa Rockwell. Ang sabi niya ay samahan ko nalang daw muna siyang manood ng sine bago kami mag ice cream parlor na sinang-ayunan ko nalang dahil bakit naman ako tatanggi diba? Siya naman ang magbabayad at bawal tumanggi sa grasya.

Naghiwalay muna kami ni Cliff dahil ang sabi ko ay bibili muna ako ng frappe habang siya naman ay nauna na para bumili ng ticket. Mag kikita nalang kami sa entrance ng cinema.

Pagkalabas ko ng cafe ay may biglang bumangga sa akin dahilan upang matapon ang frappe sa damit ko. Naramdaman ko ang lamig dahil sa nipis ng suot kong uniporme ngunit hindi ko pinagtuunan ng pansin iyon dahil mas inisip ko ang frappe na hindi ko pa nga halos nababawasan ngunit ngayon ay nasa sahig na.

My frappe. Dalawang daan at mahigit rin yon. Anak ng tinapa!

"I'm sorry miss, I wasn't looking on my way." Sabi ng lalaking nakabunggo sa akin. Nakataas ang dalawang kamay nito at sa kanan ay hawak ang cellphone na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

"Paano mo makikita ang dinadaanan mo kung nakatutok ka sa cell-" Naputol ang sasabihin ko nang mag-angat ako ng tingin sa taong nasa harap ko. Ngayon ko lang nasilayan ang mukha niya dahil sa sobrang tangkad niya.

At pag minamalas ka nga naman o, yung taong higit isang buwan ko ng hindi nakakausap ay nasa harapan ko na ngayon.

Elle, ano na?



---------

A double update for today since I can't guarantee one for tomorrow.

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon