Chapter 10

1.3K 42 27
                                    

Chapter 10

"Asan naba yun?" Kanina pa ako nagkakalkal ng bag ko dito sa canteen pero hindi ko parin nahahanap ang phone ko.

"Ano bang hinahanap mo jan?" Tanong ni Patty habang busy sa pagkain ng pasta. Ganun din sina Jenny at Dani na tinititigan lang akong hindi magkanda-ugaga sa paghalungkat sa bag ko.

"Nawawala yung phone ko." Pakiramdam ko maiiyak ako pag di ko nahanap yon. Tanging iyon lang ang koneksyon ko kay Ricci. Ni hindi pa nga kami nagkakaayos tapos ganito.

Pabalik-balik ako ng lakad habang iniisip kung saan ko maaaring naiwan iyon. Halos sabunutan ko pa nga ang sarili ko at nagbabakasakaling gumana lalo ang utak ko pero hindi e! Sigurado akong sa bag ko lang yon iniwan.

"Calm down, Elle. Baka naman naiwan mo sa condo?" Sinubukan pa akong hilahin ni Cliff paupo para kumalma pero hindi ako nagpatinag.

"Hindi! Sigurado akong dala ko iyon!" Hindi ko yon iniiwan dahil baka magtext si Ricci.

"Alin ba dun? Diba dalawa phone mo?" Tanong ni Dani. "Yung cherry." Sagot ko at napahilamos sa mukha.

"Para kang timang Elle! Cherry lang naman pala, e meron ka namang iPhone na regalo sayo ng dad mo diba? Di mo pa nga yon nagagamit." Pagtataray ni Jenny.

Hindi niyo kasi naiintindihan! Buhay ko ang nakasalalay sa phone na iyon.

"Kailangan ko yon Jen! Kahit yung sim nalang, kahit yung sim nalang sana iniwan sa akin." Napaupo ako at tinakpan ang mukha.

"Ay? Bakit te ginto yung sim, ginto? Mas mahal pa sa phone?" Ani Patty at agad ko siyang sinimangutan.

"Kung nag-aalala ka dahil nakaplan yon, ipa-cut mo nalang." Sabi ni Cliff.

"Oo nga? Kahit naman hindi na postpaid yon, siguro naman may pangbayad ng prepaid yong nakakuha. O baka nga tinapon na yung sim." Dagdag pa ni Patty.

"Ate Zandria?" Kinalabit ako ng isang estudyanteng sa palagay ko ay junior palang.

"Ano yun?" Pinilit kong huwag magsungit ngunit lumabas ata ang pagiging maldita ng boses ko dahil sa sobrang frustration.

"Uhm, kasi ate. Nakita ko lang po itong phone na ikaw ang wallpaper, sayo po ba ito?" Ipinakita niya ang smartphone na may tatak Cherry Mobile. Agad akong tumayo at hinablot sa kanya ang phone.

Pagkabukas ko nito ay mukha ko nga ang naroon. Laking tuwa ko dahil naibalik ito sa akin. Akala ko hindi ko na muling makakausap si Ricci.

"Maraming salamat! Saan mo pala ito nakuha?" Tanong ko.

"Ah, sa may basurahan po sa may quadrangle." Agad na kumunot ang noo ko. Paano ito mapupunta sa basurahan.

"Ha? Pano naman napunta yan dun?" Takang tanong ni Dani. Hindi lang pala ako ang nagtataka.

"Hindi ko din po alam e. Mauna na po ako." Sagot nung babae.

"Sige. Salamat uli." Umupo ako para tignang muli ang phone.

"Mukhang napagtripan ka ata Elle." Sambit ni Cliff.

"Sino namang gagawa nun? Parang tanga naman." Ani Patty.

Pagkabukas ko uli ng phone ay agad akong nanlumo sa nakita.

No Sim.

Fuck bakit? Napahawak ako sa noo ko at pinigilang tumulo ang luha. Sobra na ang bigat na nararamdaman ko, hindi pa nga ako nakahingi ng tawad kay Ricci dahil sa nangyari nung nakaraan tapos ganito?

"O? Ano nanamang problema Elle?" Tanong ni Jenny.

"Wala yung sim." Mahinang sambit ko.

"Ha? Paano?" Hindi ko din alam. Bakit ganun? Yung sim kinuha pero ang phone ay iniwan? Para saan?

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon