Chapter 25

1.7K 42 1
                                    

Chapter 25

Sa mga araw na nakasama ko ang Archers, I've grown very fond of them at ganoon din sila sa akin. That's why I'm very blessed to have them with me. They're always so caring and considerate. Sa isang salita ko, they'd get tamed.

Ang mga salitang binitawan sa akin ni Brent kanina ay talagang tumatak sa isip ko.

"Kaya magtitiwala nalang kami kay Ricci, Elle. If he plans to shout to the world who you are, then we'll be there.  We'll just try to protect you the best way we can."

His words are plastered on my mind and heart. Bawat linya ay tila ba napapawi ang takot ko. Pero hindi parin naiaalis sa isipan ko ang mga posibilidad na mangyari lalo pa't they're opening a new season. Paniguradong rarami nanaman ang magkakaroon ng interes at lalaki nanaman ang pangalan nila. It'll be more harder to stick and be with them.

Pero kung magagawa nilang magtiwala ay dapat ako rin. I need to shrugg off the negativities away because that won't help to make our friendship work at pati narin ang kung ano mang meron kami ni Ricci. Yes we don't have any label as of now, but we clearly do have deeper feelings towards each other. Sinasabi at pinaparamdam niya iyon sa akin.

Ang pagpaparamdam niya sa akin na mahalaga ako ay isang bagay. Ngunit ang manggaling mismo sa bibig niya ay iba.

I honestly don't believe in 'action speaks louder than words'. Ang mga katagang tulad niyan ay ang dahilan kung bakit marami ang umaasa at nagpapaasa. Dapat ay balanse. Hindi pwedeng puro pagpaparamdam lang. It still has to come out to the word of mouth dahil iyon ang magbibigay ng assurance.

"Boo!" Nabalik ako sa realidad nang may biglang sumulpot sa harapan ko. Patungo ako sa library para doon tumambay at maghintay ng susunod kong klase. Matapos akong maglunch ay umalis narin si Brent.

Inirapan ko ang nasa harap ko. "You're zoning out. Mamaya may mabangga ka niyan!" Sambit ng demonyo.

Inirapan ko lang siya at saka  nilampasan pero hinabol niya lang ulit ako at saka hinarangan.

"Saw you earlier. Sino yun? Boyfriend mo?"

Huminto ako sa paglalakad at saka humalukipkip. "Look, Mr. Demon. Kung sino man ang kasama ko, wala kang pake." Nagsimula nanaman akong maglakad pero humarang siya uli. Peste, bakit ba ang kulit ng isang to?

"It's Damon. Sa bagay, ano naman kung boyfriend mo siya diba? Kung ang asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya?" He winked then left me dumbfounded. What was that?

"Mom." Sambit ko kay mommy nang tumawag siya. Nasa kwarto na ako at nagprepare para matulog, Ricci already left an hour ago.

"Malapit na ang debut mo. Do you have any plans?" Tanong nito. Ang aga naman para tanungin ako niyan. May tatlong buwan pa a?

I kept my brush on my drawer before answering. "Ayoko magdebut ma. Simple celebration will do." Sagot ko.

"What? Hindi pwede yon Zandria Lucielle, you're my unica hija. This has to be grand."

Napairap ako. Tatanungin niya pa ako e sa huli siya lang din naman ang magpaplano. "My, hindi ba pwedeng travel nalang? Visit nalang ako jan ganun."

"No. Ikaw ang nag-iisang babae sa mga batang Santander. I'm sure if your lola is alive, gugustuhin niya rin ang engrandeng party para sayo. Plus our relatives and your cousins will come home."

My cousins na wala naman akong ka-close dahil puro sila lalaki at mas matatanda sa akin? Ugh. Masyadong elite ang mga iyon, puro laking ibang bansa kaya mahirap pakisamahan.

"But I don't want grand mom. Gastos lang iyon." Hindi ko alam kung pang-ilang beses na ang irap ko sa pag-uusap namin ni mommy.

Tsaka isa pa, sinong iinvite ko dun? Siguro sa 18 roses ay wala akong problema because I have my cousins and of course, the Archers. Pero paano naman sa treasures? Wala naman akong mga kaibigang babae! Yung tatlo ayun, pinlastik ako. Tsk.

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon