Chapter 15

1.6K 57 10
                                    

Chapter 15

Makalipas ang ilang minuto ay sumunod narin ako sa court. Pagbalik ko ay mas marami ng tao. Hindi ko alam kung makakapasok pa ako sa loob ngunit namataan ako ni Cliff na nasa unahan kaya't agad niya akong sinundo. Ang hayop na to, wala atang kahihiyan to dahil di alintana sa kanya ang mga nababangga.

"Tara sa harap." Aniya at iginiya ako. Ang hirap makipagsiksikan at rinig ko pa ang mumunting mura ng mga nababangga namin. Hindi pa nagsisimula at mukhang kinakausap pa ng mga team leaders ang kani-kanilang koponan. "Excuse me, excuse me po pasensya na." Paghingi ko ng paumanhin sa mga nababangga ko.

"Ano ba yan, padaan daan pa. Kami naman ang nauna!" Rinig kong sambit ng isang babae. Inismiran lamang siya ni Cliff at pinagpatuloy akong harangan upang hindi maipit.

Malapit na sana naming maabot ang kinaroroonan nila Patty nang biglang may humila ng bag ko. "Miss, ang unfair naman ata, kami dito nauna tapos sisingit ka pa papunta sa harap?" Pagsusungit ng isang babae.

"I'm sorry but we got here first, nag cr lang siya kaya siya lumabas." Cliff stated on behalf of me. Oo nga pala, nakalimutan ko ang layunin ko kung bakit ako lumabas kanina ngunit ang ihi ko ata ay umurong nang makita ko si Ricci. "If you don't mind, mauna na kami sa harap." Dagdag niya at hinila na ako pero mas nabwisit ata iyong babae.

"Hoy ang yabang mo! Porke inglishero ka? Pantay pantay lang tayo dito!" Bulyaw niya kay Cliff at saka ako binalingan. "Edi sana hindi ka umalis, magtiis ka sa likod gaga!" Sigaw niya sa akin. Bumulong bulong pa siya sa kasama niya. "Paimportante." Teka lang what's the big deal? Napakainit naman ng ulo ng isang to. Bakit hindi niya nalang enjoyin ang event hindi yung ipinagkakalat niya pa dito na wala siyang class. I'm not trying to be arrogant or anything, it's just a matter of fact that has been spoken.

Mukhang nagpintig ata ang tenga ni Cliff dahil sa sinigaw sa akin nung babae. "Chill miss, no need to curse at her." Napansin ko narin ang pagtitinginan ng ibang tao sa amin pati narin sila Patty na palapit na rito.

"Nasa Pilipinas ka kaya magtagalog ka! Akala mo kung sinong gwapo. Ang unfair lang kasi nanggaling pa kami sa malayo pero magtitiis kami rito sa likuran habang kayo dirediretso lang sa harap." Reklamo niya.

"I'm sorry, but that's it? Really? Edi sana ay dumiretso nalang din ho kayo sa harap, wala namang nagbabawal sa inyo." Mahinahon kong sambit kahit na nauubusan na ako ng pasensya dahil napakababaw ng ikinagagalit niya. Yung totoo? Nakadrugs ba itong si ate? Maliit na bagay pinapalaki. Kung gusto niyang nasa harap edi sana nagpunta siya, hindi yung nang-aaway pa siya.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Dani nang makalapit sila.

"Kaibigan mo ba tong isang to? Singiterang nagmamaganda!" Pagtukoy niya sa akin. What the hell? Anong ginawa ko sa kanya? I just simply passed by her pero kung husgahan niya ako ay parang alam niya ang buong pagkatao ko. Kung nabangga ko man siya edi I'm sorry.

"Ma'am, kung nabangga kita kanina I'm truly sorry, hindi mo naman kailangan sumigaw." Paghingi ko ng paumanhin, hindi naman talaga dapat ako nagsosorry sa kanya dahil wala naman akong ginagawang masama but I still did with utmost sincerity.

"Hoy babaeng talakerang mukhang palaka!" Sigaw ni Patty dahilan kung bakit lahat ay sa amin na nakatingin, by lahat, that includes Ricci. Oh no, this won't do any good, knowing Pat. "Ano bang problema mo? Kung pagpwesto lang sa harap, napakababaw promise! And to call my friend names? Nagmamaganda? Bitch, why don't you try to look at yourself in the mirror first. Wearing a shabby dress gayong liga lang naman ang panonoorin mo?" She mocked and laugh sarcastically. Nanlaki ang mata ko dahil wala nanamang preno ang kanyang bibig.

Tinignan ko ng masama si Cliff dahil wala siyang ginagawa at tinawanan niya lang ang panglalait ni Patty.

Binalingan naming tatlo si Pat to make her calm. "Pat hayaan mo na it's alright." Paninigurado ko dahil mukhang konti nalang ay mukhang susugod na siya. Humarap ako sa babae at muling humingi ng paumanhin ngunit matalim na tingin lang ang iginawad nito sa akin at inirapan niya pa ako.

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon