Chapter 47

2.7K 108 101
                                    

Chapter 47

I woke up with my visions, being all blurry. Nag adjust pa ang paningin ko sa liwanag at nang maayos ay bumungad sa akin ang nagaalalang si Damon.

He immediately went to me as soon as he noticed that I'm awake.

"Shit, Elle. Are you ok?"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at muling dumilat upang tumango. I realized we're not in the forest already. I'm inside a room, this must be the resort's clinic.

Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko na ang ingay ng naguunahang Archers sa pagpasok. Nang makita ako ni Aljun ay agad siyang tumakbo sa akin.

"Elle! Anong nangyari? Bakit ka kasi umalis? You should've told us!"

Agad siyang binatukan ni Desiree.

"Lumayo ka nga!" Aniya at hinila palayo si Aljun at siya ang pumalit.

She gave me a sweet smile. "How are you? Ang dami mong sugat na natamo, buti nalang at hindi malalalim."

Nilingon ko ang mga braso ko na namumula dahil sa mga gasgas.

"Maayos na ako, Des. Thank you and I'm sorry too." Ngumiti ako.

"You don't have to say sorry. Ang mahalaga ay maayos ka."

Nilibot ko ang paningin ko and I saw six pair of eyes shooting daggers on me.

Uh oh.

"You should be thankful at mahina ka, dahil kung hindi malalagot ka sa amin Zandria Lucielle." Ani Santi sa nagbabantang tono.

"I'm sorry."

Inisa-isa ko silang tinignan ngunit wala roon ang taong hinahanap ng mga mata ko.

I sighed. Of course, wala nga siyang pakialam hindi ba?

"Anong oras na?"

"It's four a.m. Ano ba kasi ang nangyari at napadpad kayo roon?" Naiiritang sambit ni Prince.

"It's my fault. Ako iyong nagpumilit na gumala." Said Damon.

"At dinamay pa talaga si Elle?" Halos tumaas pa ang boses ni Aljun.

"Jun stop it. Wala siyang kasalanan, ako yung pumilit na sumama." Pigil ko.

"You should've asked one of the staffs. Paano kung hindi lang iyan ang nangyari sayo?"

"Kib, calm down. Wala namang nangyari diba? I'm fine, and I'm truly sorry for the inconvenience."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya para ikalma ang sarili.

"Damon you idiot!" Pag-irap ni Des.

Nagsilabasan sila para raw makapagpahinga ako. Desiree suggested it because she said I wouldn't have my peace as long as the boys are around.

Nagising ako nang may tumamang liwanag na nagmumula sa bintana. I noticed a nurse doing something on the side of my bed.

"Ma'am good morning, clean up lang po yung mga galos niyo." Aniya.

Tumango ako at bahagyang umupo.

"Ang dami kong gasgas, aattend pa naman ako ng kasal."

"Ayos lang iyan ma'am, maninipis naman ang sugat niyo kaya hindi gaanong halata."

Ngumuso ako at tiningala ang nurse.

"Iyong mukha ko? Wala bang galos?"

He chuckled. "Wala po, makinis parin."

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon