Chapter 44

1.2K 60 40
                                    

Chapter 44

I actually don't know what has gotten into Ricci for making me do that work tapos patitigilin in the end.

Is that his way of trying to get rid of me from his company?

Well, I'm sorry dahil hindi parin ako matitinag sa ganoon.

I've been through worse when I was in New York. Nagsasabay ang pagtataguyod ko sa kompanya at sa pag-aaral kaya walang-wala lang ito.

We'll see Ricci. We'll see kung sino sa atin ang unang susuko.

"Kumusta yung pinagawa sayo ni Sir? Natapos mo ba? Di ko naiintindihan si Sir actually. Ngayon lang kasi siyang ganun, dati naman wala siyang pinaparush na paperworks." Napapaisip na sambit ni Tina.

"Sadly, hindi. But it's fine now. Intindihin nalang natin siya, maybe important talaga iyon."

I lied. Important? Ni hindi niya nga tinapos, tsk.

"That was the first time that we saw him like that. Like a mad wolf! He's usually calm. I wonder why."

Hindi na ako nagtataka. He loath me that much.

"Maybe he's just stressed." I defended.

Kuryoso naman siyang napatingin sa akin. "Pinagtatanggol mo pa, e ikaw na nga itong napagalitan."

I silently laughed and shook my head.

Napawi iyon nang may pumasok muli sa opisina.

Cattleya walked in like she's in a runway.

Wait, she works here?

"Where's Mrs. Cortez?" Aniya at nilibot ang kanyang tingin.

Tumama ito sa akin at nanlaki ang mga mata niya. She pursed her lips on a grim line.

"What are you doing here?" Halos tumaas pa ang boses niya.

My coworkers glanced at me. Malamang ay nagtataka na sila kung bakit mainit ang ulo sa amin ng mga boss namin.

Hinarap ko siya. "I work here."

She smirked. "Oh yeah? Tinanggap ka dito? What do you even have?"

"She has full credentials ma'am." Sabat ni Mrs. Cortez. "Pinapatawag niyo ho ako?" She added.

Nagtaas ng kilay si Cattleya. "I need to talk to you outside." Sambit niya at tinalikuran kaming lahat.

Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa nalaman. Dito pala siya nagtatrabaho.

Bakit pa nga ba ako nagtataka? Malamang, kung nasaan ang boyfriend ay naroon narin siya.

Hindi maiwasang maging mapait ang nararamdaman ko sa pagiisip na ang dating pinapangarap lang namin ni Ricci, ngayon ay tinutupad na nila ng sabay.

Nang maghapon ay nagpasya akong puntahan si Ricci sa opisina niya para kumbinsihin sa kagustuhan nila Kib.

Wala si Cattleya nang dumating ako doon. Wala rin siya,

His office is huge and very modern.

Malinis ang buong opisina niya maliban sa kanyang table na kung saan nagkalat ang iba't-ibang blueprints na mukhang tinatapos niya pa.

Napansin ko rin ang mga pictures na nakapatong sa isang table sa gilid ng silid. The frames contains pictures of his family. Ang ilan ay kanya at mayroong ring picture na magkakasama sila ng Archers.

Napansin ko ang isang frame na nakataob. I was about to get it until I heard him spoke.

"What are you doing?" My eyes widened as I heard him at my back. Agad ko siyang nilingon at naabutan ang matalim niyang titig sa akin. 

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon