Chapter 29

1.2K 52 15
                                    

Chapter 29

I did as what Ricci told me, to wait for him dahil babalik raw siya. Nilibang ko narin muna ang sarili ko habang naghihintay ng text niya kung nakabalik na ba siya.

Fifty minutes and he's not back! Ito nanaman ba kami? Parang nung una?

I went to H&M, Mercer St and other stores para bumili sana ng damit. Pero mukhang wala ata ako sa mood mag shopping galore dahil ni isa ay wala akong mapili. I end up staying on a milktea shop at nagbrowse nalang sa social media.

Nangingiti pa ako habang nagbabasa ng mga tweets tungkol sa Archers. They are truly loved. May ilang mga bashers and mean tweets lalo na kay Ricci pero nangibabaw parin ang sweet messages para sa kanila. Napawi ang ngiti ko nang mapansin ko kung anong oras na.

It's almost six at pasado alas tres pa nung umalis sila. Nang maubos ko ang milktea ay pinili ko nalang lumabas at maupo sa may fountain para doon siya antayin. Nagdidilim narin sa labas. The fountain lights are open.

Magtatatlong oras na pero wala parin siya. I know Cattleya is staying in Malate, hindi naman kalayuan iyon dito. Kaya ng thirty minutes kung wala traffic pero bakit hindi pa siya bumabalik?

I texted and tried calling him but he's not answering.

Where the hell is he?

Kung hindi naman na siya babalik ay sana sinabi niya nalang dahil maiintindihan ko naman iyon kaysa naman pag-antayin niya pa ako dito.

Giniginaw na ako dahil sa suot kong manipis na sundress. I left my cardigan in Ricci's car kanina, damn!
Wala akong ginawa kundi yakapin ang sarili ko at pasilip-silip sa aking phone.

Inopen ko nalang muli ang instagram app at baka sakaling malibang naman ako ngunit hindi ko inaasahan ang bumungad sa explore ko. Screenshots of Ricci and Cattleya's picture are all over my explore section!

And this is recent because they are still wearing the same clothes as earlier. Nasa kama si Cattleya at nasa upuan naman sa tabi niya si Ricci, hawak ang kanyang phone.

Based on the screenshot, this is Cattleya's post. May caption pa ito na "got my own nurse." At may puso pa.

People are wondering who she is. Kalat na kalat na iyon sa social media. Kesyo may girlfriend na raw ba talaga si Ricci o ano.

Hindi ko na napigilang maluha dahil sa nakita ko. Akala ko ba ihahatid lang? He fucking stayed, in her fucking room! At hawak niya pa ang kanyang phone tapos hindi manlang niya ako nagawang itext na hindi na pala siya darating? Damn him!

Kasabay ng pagluha ko ay ang malakas na pagbuhos ng ulan. Dali-dali akong tumakbo para makasilong ngunit huli na dahil basang-basa na ako. So much for this supposed to be date!

Pagkasilong ko ay saktong tumunog ang aking cellphone. Ang inaakala ko ay si Ricci ang tumatawag ngunit hindi. It's Aljun. Nanginginig ang kamay kong sinagot ang kanyang tawag.

"Yo! Where you at? Gala niyo ni Cci ngayon diba? Gagong yon sasama dapat kami kaso ayaw pumayag!" Maligayang bungad niya sa akin.
"Nasa labas paba kayo? Sunod kami!" Dugtong niya.

Bago ako sumagot ay sinubukan ko munang kalmahin ang sarili ko at pinigilang humikbi dahil baka makahalata siya. "No, Jun. Hindi na kami magkasama." Mabuti nalang ay hindi nabasag ang boses ko.

"O? Aga niyo naman natapos? Teka bat parang malakas ulan naririnig ko diyan? Nakauwi kana ba talaga?" Tanong niya.

Gusto kong umoo but I'm sure he won't buy it since imposibleng marinig ang ulan sa loob ng unit ko.

"Hindi pa." Maikling sagot ko, natatakot mabasag ang boses.

"Huh? E asan ka? Asan si Ricci? Sinong kasama mo?" Mas lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa sunod-sunod niyang tanong. Mapait akong ngumiti. Siya sana ang kasama ko, pero iniwan ako para sa iba.

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon