Chapter 16

1.6K 51 50
                                    

Chapter 16

Since ang pag move on nga ay isang proseso, sisimulan ko sa pinakabasic. At iyon ay ang burahin ang lahat ng mga mensaheng ipinadala namin sa isa't-isa. Nawala nga ang sim pero ang mga old messages namin ni Ricci ay nandito parin sa phone ko. It's our vacant, kaya naman wala akong ginawa kundi ang balik-balikan at basahing muli ang mga texts sa niya sa akin. Napaka-cringy naman pala ng mga ito. Hindi ko alam na ang dami palang mga corny na salitang binibitawan namin sa isa't-isa. Pakiramdam ko tuloy napakalandi ko at mukhang kailangan ko pang maligo ng agua bendita. Pero kahit na ganon ay hindi ko parin mapigilang mapangiti dahil nakakamiss rin pala.

Nakakamiss na sa bawat araw ay siya ang una't huling taong nakakausap ko. Ang mga morning messages niya, pati narin ang mga good night. Sa loob ng apat na buwan ay wala iyong palya. Pati narin ang mga panenermon tuwing kinekwento ko sa kanya kung gaano ako kaplastic sa mga tao sa partikular na araw na iyon at kung paano ako nagrereklamo sa mga maliliit na bagay. He kept reminding me that everything happens for a reason and that I shouldn't give up no matter what reason there is. Naipapasok niya rin si God sa bawat conversations namin. Kung hindi nga lang to palamura at bastos ang bibig, iisipin ko na he can be a saint prospect.

Namimiss ko narin kung gaano siya kasaya tuwing nagkukuwento siya tungkol sa pamilya niya. Bihira lang ang ganon dahil kadalasan pa nga sa mga manliligaw ay hindi lalabas ang usapan sa sarili o di kaya naman sa mga mabubulaklak na salita para sa nililigawan.

But Ricci is far from that, hindi lang basta flattering words ang lumalabas sa bibig niya kundi words of wisdom. He can even be poetic sometimes na tinatawanan ko nalang.

Gosh! I miss him. I really do. Totoo pala talaga na malalaman mo nalang ang halaga ng isang tao kapag wala na ito sayo.

"Oooh. Touch screen ba yan ate?" Malokong tanong ni Cliff at sadyang pinindot ang screen ng phone ko. Naupo na siya sa tabi ko dahil mukhang nagsawa na ata siya sa pakikipagdaldalan sa mga kaibigan niyang lalaki. Nakisilip pa siya sa phone ko at agad ko naman itong nilayo sa kanya. "Ang epal mo bangin." Puna ko at inirapan siya.

He chuckled. "Ano ba kasi yan? Sabi ni Markus mukha ka raw baliw kakangiti jan." Agad kong tinignan ang kaklase naming si Milo at binigyan lang ako nito ng matamis na ngiti. "Langya ka Milo, mukha kang aso!" Sigaw ko sa kanya at naghalakhakan sila.

"Rivero again?" Seryosong tanong ni Cliff kaya napatingin ako sa kanya. "I saw it. Wag kang tatanggi. Magka-text parin pala kayo niyan?" Pagdugtong niya pa at bigla akong kinabahan dahil may alam na siya.

"Hindi na." Maikling sagot ko. Baka makatanggap lang ako ng sermon mula sa kanya.

"E anong ginagawa mo diyan?" Tanong niyang muli at napabuntong hininga ako. I guess, there's no reason to keep it a secret. At si Cliff lang naman iyan.

"Just back reading, idedelete ko narin lahat after." Kibit balikat akong sumagot at tumango siya.

"Mabuti naman." Mabuti naman? Kunot-noo ko siyang tinitigan at mukhang nakuha niya naman na kailangan niyang ipaliwanag ang komento niya. "I mean you know, dahil jan mukhang hindi kana nakakapag-focus sa studies mo." What? Paano? My grades are consistent as usual, and I made Ricci as one of my inspirations, not distraction. So paano niya naman nasabi na ganoon nga?

"At tsaka isa pa, Tito will just get mad. Diba nga pinagbabawalan ka pa niyang magkaroon ng boyfriend?" Dagdag niya at tumango lamang ako.

"He's not my boyfriend anyway."

"Really? E ano yung mga sweet words na pinag-uusapan niyo? Even the endearment." Puna niya. Bakit parang ang dami niyang alam?

"How did you know about that?" Hindi naman sa nambibintang ako, naalala ko lang talaga iyong narinig ko noong nagpunta sila nila Dani sa condo. About my lost sim.

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon