Chapter 33

1.4K 48 4
                                    

Chapter 33

Pagkatapos naming gawin ang day one escapade, nagpasya muna kaming magpahinga. Or should I say, ako lang talaga ang nagpahinga dahil walang kapaguran ang mga iyon. I slept on the bed never minding what Cattleya has said. Nagising ako nang maggabi na at nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong lumabas para puntahan sila. I knocked on each of their rooms but I got no answer. They might be out. 

Nagpasya nalang akong magpunta sa resto at pagkarating ko ay naroon na sina Andrei at Santi na kumakain ng kanilang dinner. The rest of the boys are nowhere to be found. Nang mamataan nila ako ay agad nila akong inaya na maupo sa table nila. They ordered food for me and I started eating. 

"Where are the others?" Tanong ko habang kumukuha ng tubig.

"Booze, as usual" tipid na sagot ni Santi.

"Di kayo sumama?"

"Never my thing, you know that." Sagot niya.

"Right." Nanahimik nalang ako at kumain.

"Plano kong sumunod Elle, would you like to come?" Tanong ni Drei.

"Su-" sasagot na sana ako pero sumabat si Santi.

"No."

Napabaling ako sa kanya. "What? Why not?" Reklamo ko.

"They're all probably drunk already, walang magbabantay sayo."

"Leonard, hindi ko na kailangan ng bantay, matanda na ako!" Sagot ko

"You're just seventeen. Shut up. Plus, magagalit lang si Ricci pag dinala kapa namin doon."

"Hoy I'm turning eighteen in less than a month." At saka anong problema kay Ricci? Bakit ayaw niya akong magpunta doon? Is it because of Cattleya? Para ano? Sa quality time nila? Gustong masolo ganoon ba? Well I don't care, hindi ko sila guguluhin kung ganoon. I just want to have fun and unwind dahil sa mga stressors na dinaranas ko sa school. Why won't they let me? 

"Hayaan mo na tol! Ako bantay niyan." Sabat ni Andrei at nagtaas-baba pa ng kilay sa akin saka ngumisi.

Ngumiti ako ng malawak. "See? Drei's there, I'll be fine!" Umirap lang si Santi at saka tumango. Wala narin naman siyang magagawa.

"Fine. But I'm coming with you, also to take care of their drunk asses."

I sighed at relief. Sasama din pala ang isang to, nagpapabebe pa.

Dumating na kami sa club ng resort. The party's at its peak. Ang daming tao. Most of men are half naked while the ladies are wearing their bikinis and some cover ups. Of course, what do I expect, we're at the beach afterall.

I saw Aljun and Brent at the dancefloor. Tama nga si Santi, they're very drunk.

"I'll just look for the others. Drei, ikaw na bahala sa kanya." I only nodded as a response. 

Umalis na siya, probably para hanapin sila Prince.

Inaya ako ni Andrei na lumapit sa mga nagsasayaw na sina Aljun. Nasa gitna kami ng dancefloor kaya wala na akong nagawa kundi makisayaw narin.

"Hey, hey, hey, nandito ang mahal na prinsesa." Pagbaling sa akin ni Aljun at iniwan niya ang babaeng kasayaw niya kanina.

"Here." Abot sa akin ni Brent ng inumit. Tinignan ko lang ito dahil una sa lahat, hindi ako umiinom. At pangalawa, baka mapagalitan lang ako ni Ricci.

Speaking of him, nasaan na kaya iyon? We've been here for minutes already but I haven't seen any traces of him. Ganoon rin si Cattleya. Malamang ay magkasama ang dalawang iyon, parati ba namang nakabuntot si Cattleya e.

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon