Chapter 12

1.3K 43 22
                                    

Chapter 12

Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lang ako sa kanya nang bigla niyang ipinatong sa akin ang tshirt na kinuha niya sa bag niya. Nagtaka ako sa ginawa kaya't sinilip ko ang tinakpan niya, yon pala ay bakat ang bra ko dahil nabasa nga ang blouse ko ng frappe. Damn!

"Ang lamig." Hindi naman talaga alintana ang lamig kanina pero nung nalaman kong si Ricci ang nakabangga sa akin ay parang hindi lang ako nabasa ng frappe kundi binuhusan talaga ako ng nagyeyelong tubig!

"I'm really sorry." Sambit niya at saka ako pinaghihila kung saan. "Teka saan mo ako dadalhin?" Tanong ko.

"Magbihis ka muna sa cr, baka sipunin ka niyan." Sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad. Pakiramdam ko ay namumula na ako dahil sa di maipaliwanag na nararamdaman. Paano ba naman ay hanggang ngayon hawak niya parin ang kamay ko!

Ricci ako to....

Gustong-gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Nakakainis! Asan ang tapang mo Elle? Bakit pag nariyan ay tiklop ka kaagad.

"Pero wala akong dalang damit." Sagot ko.

"Just use mine first and then I'll buy you one afterwards." Pagkarating namin sa entrance ng restroom ay inilahad niya ito para pumasok ako pero mukhang napako yata ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw. Pati ang mga mata ko ay hindi maalis ang tingin sa kanya.

Nagtaka siya sa kilos ko at saka biglang ngumisi. "Go change. I'll wait here." Aniya. Tumango nalang ako at pumasok sa cr.

Imbes na pagbihis ay dumiretso ako sa sink para hilamusan ang mukha. Tinapik tapik ko pa ang sarili ko at baka sakaling magising ngunit walang nagbago dahil nandito parin ako sa sitwasyong kinalalagyan ko. Sa sitwasyon kung saan kasama ko si Ricci.

Si Ricci! Ito na ang pagkakataon mo Elle. Kapag pinalagpas mo pa ito ay ewan ko nalang.

"This is it. Grab your chance Zandria." Sabi ko sa sarili ko sa salamin.

Agad akong nagpalit at pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakasandal sa pader habang nakatutok nanaman sa cellphone. Ano bang meron at mukhang hindi niya maalis ang tingin niya roon, dahilan kaya nabangga niya pa ako kanina.

Bago ako lumapit ay tinitigan ko muna siya. Pakiramdam ko isa akong creepy stalker dahil sa ginagawa ko ngayon. Earlier was our first holding hands! Iyon nga lang ay hindi niya ako kilala bilang si Elle.

Nakasimpleng white shirt at sweatshorts lang siya at may dalang backpack. Siguro ay kakagaling niya lang sa laro dahil narin sa soot niyang sapatos at meron pa nga siyang extra shirt na pinahiram sa akin hindi ba.

Teka sweatshorts? Ang lakas naman ng loob ng isang to na magsuot ng ganyan gayong napagpiyestahan na nga siya dahil sa picture niya. Napailing nalang ako at naisip na lumapit.

"Ang laki." Sambit ko, tumutukoy sa shirt na soot ko. Napalingon siya sa akin at muling ngumisi. "Looks good on you."

Nako Rivero tigil-tigilan mo ako sa mga ganyan mo.

"Let's go. Ibibili kita ng damit." Sambit niya at agad naman akong umiling.

"Hindi na kailangan! Nakakahiya." At saka mas gusto ko pang soot tong shirt mo no, kinurot ko ang sarili ko. Elle, tandaan, hindi ka malandi.

"It's fine really. I owe you one. Nagmamadali kaba?" Tanong niya. Napaisip ako, makakapaghintay naman siguro si Cliff hindi ba?

"Hmm." I bit my lower lip because I can't decide what to do. Kung magpapabebe nanaman ako, I might miss my chance. Nang tumingin ako sa kanya ay nahuli ko siyang nakatingin sa labi ko. "Hindi naman." Tanging sambit ko nalang.

"Tara kung ganoon?" Pag-aya niya at saka ako tumango.

Dinala niya ako sa isang sikat na clothing boutique. Nakasunod lang ako sa kanya habang nagtitingin-tingin siya ng mga damit. "Anong gusto mo? I'm sorry hindi ako marunong mamili, never pa kasi akong bumili ng damit ng babae." Nagkamot ulo pa siya.

I know Ricci, puro lalaki ba naman ang kapatid mo. At kapag bumibili naman ng regalo para sa mom niya, hinahayaan niyang ang mga kapatid niya ang mamili at sinasabing sabit nalang siya. Idinadagdag nga lang niya ang pangalan niya sa gift tag e, ang kuripot talaga.

"Kahit ano nalang. Yung pinaka-mura." Sabi ko sa saleslady na sumusunod sa amin.

"Bakit ka naghahanap ng mura? It's fine kahit magkano, pumili ka nalang." Sagot ni Ricci. Aba himala ata at hindi kuripot mode ang isang to?

Pakiramdam ko ay hindi ako makakapili ng maayos dahil nandyan lang siya at nakasunod kaya naman ay hinayaan ko nalang ang saleslady na mamili ng babagay sa akin.

Sa huli ay binilhan niya ako ng simpleng casual dress.

"Punta lang ako ulit sa cr? Magpapalit para maibalik itong tshirt mo sayo."

Umiling siya. "No need. It's yours now."

"Huh? E bakit mo pa ako binilhan ng damit kong di mo naman pala kukunin tong shirt?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya at dinilaan ang labi. "Don't know. I just feel like it."

Ibang klase naman pala. Sariling nanay hindi mabilhan ng kung ano pero gagasta para sa isang stranger dahil wala lang?

"Have we seen each other before?" Tanong niya at napaisip ako kung saan kami nagkita. Una kaming nagkita noong nanood kami ni Patty ng laro nila pero baka hindi naman na niya matandaan yon.

"Oo ata? Dun sa ice cream parlor sa taft." Sagot ko at para siyang naliwanagan.

"Ah. I remember, that was more than a month ago isn't it? Ikaw yung may kasamang lalaki na sinabing naglilihi ka. Was that your husband? Or boyfriend. You look quite young." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sa lahat ng pwede niyang maalala ay iyon pa talagang ipinangalandakan ni Cliff na naglilihi ako?

"Hala! Hindi hindi. Hindi ako buntis at isa pa, bestfriend ko lang yon." Depensa ko.

"Really? Hindi mo iyon boyfriend?" Tanong niya at agad akong umiling as an assurance. Tumango siya at bumulong na hindi ko narinig. "Ano yun?" Tanong ko.

"Wala. What's your name by the way?" Kinabahan ako sa tanong niya. Ito naba talaga ang pagkakataon para magpakilala ako? Dahil kung hindi, kelan pa hindi ba?

Magsasalita na dapat ako nang biglang may sumigaw. "Zandria!" Rinig kong sigaw ni Cliff. Lakad takbo siya patungo sa kinaroroonan namin ni Ricci.

"Kanina pa kita hinahanap. Why weren't you answering your phone?" I completely forgot about Cliff because of Ricci. Patay na! Bago pa ako sumagot ay nagring ang phone ni Ricci dahilan para mapatingin kami pareho ni Cliff sa kanya.

"I'm sorry. I just have to take this call." Sambit niya at lumayo ng kaunti sa amin para sagutin ang tawag. His distance is enough for me to hear what his saying.

Nagfocus ako sa pakikinig ngunit binabangga ni Cliff ang balikat ko habang bumubulong-bulong.

"Hoy sino yon ha? Nalingat lang ako may kasama kana." Bulong niya. "Sinong matinong bestfriend ang mangdi-ditch ng bestfriend para sumama sa iba?"

Binatukan ko siya. "Sandali, manahimik!" Mahinang sigaw ko.

"Hmm?" Rinig kong sambit ni Ricci. "Mall. Yes. Tapos na kami maglaro. Where? Alright, I'll see you. Take care, love." At binaba niya na ang tawag.

Tangina? Love? Love?! At sino naman yon ha? Kaya ba hindi na siya muling nagreply nung sinusubukan kong magtext sa kanya dahil sa iba na nakatuon ang atensyon niya?

"Zandria, is it? Nice name." He smiled genuinely at me pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. Tangina, love daw e. "I have to go. It was nice meeting you." Sambit niya at tinapunan muna ng tingin si Cliff bago umalis.

Pagkaalis niya ay napasapo ako sa noo. He used to call me love too! Hindi ko naman alam na gamit na gamit pala ang endearment na yon sa kanya. So that's it huh? Apat na buwang kilig at kaligayahan, ngayon ay nauwi lang sa wala.

Pinigilan ko ang sarili kong maluha. Katangahan kasi Elle, hinayaan mo ang sarili mong mahulog tapos ano? Walang sumalo kaya nagkakaganyan ka. Hinayaan mo ang sarili mong maging parang bola para paikutin niya sa mga kamay niya.

-------

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon