Chapter 9

1.6K 47 20
                                    

Chapter 9

"You ok?" Rinig kong tanong sa akin ng katabi kong si Cliff. Nilingon ko siya at ngumiti ng peke.

"Oo naman." Sagot ko at muling bumaling sa aming prof. Actually hindi talaga ako ok. Hindi ako makapag-focus sa mga lessons at bumabalik balik lang sa isip ko ang mga sinabi ni Ricci sa huli naming pag-uusap. I didn't know that he felt that way. Tuwing nag-uusap kami ay maayos naman siya.

"You're spacing out." Pananalita uli ni Cliff. "Hmm? Hindi a. I'm listening." I defended

"Sige nga. What was Mr. Santos said a while ago?" He gave me a teasing smile. Inirapan ko siya at hindi nakasagot.

He chuckled. "Listening pala a?" He teased. "So what's the matter? Mukhang ngayon lang nawala sa wisyo ang isang Zandria Lucielle. Care to share? Baka may maitulong ako."

"Gusto mong makatulong?" Tanong ko. Agad naman siyang tumango. "Huwag lang acads ha? Medyo tagilid tayo dyan." Bulong niya, mahina akong natawa.

"Libre mo ako ice cream. Pampalamig ng ulo."

"Tss. Pa-ice cream ice cream kapa. Akala mo naman hindi weak ang tonsils mo. Konting kain ng malamig at matamis, ayan sige lagnat sipon ubo." Inarapan niya ako at sinimangutan ko siya. What he said is true though, he really knows me well.

"Ngayon lang naman e! Akala ko ba gusto mong tumulong?" Kinurot ko ang biceps niya. Pinigilan niya ang sarili niyang gumawa ng tunog dahil baka mahuli kami ng prof. Natatawa ako dahil tahimik niyang iniinda ang sakit at hinimas-himas niya pa ang parteng kinurot ko.

"Oo na oo na! Napaka amazona mo talaga. Pag ikaw nagkasakit hindi ko kasalanan."

"Oa mo po, konti lang naman. Di naman ako magkakasakit agad."

After class ay nagtext ako kila Pat na may pupuntahan kami ni Cliff.

"Taft?" Tanong ko nang makita ko kung saan tumutungo ang sasakyan niya. "Bakit dito pa? Ang layo naman."

"May nirefer sakin si Josh na newly opened ice cream shop dito. Just wanna try." Pagpapaliwanag niya habang nililingon lingon ang Waze na sinusundan niya patungo sa shop.

Nagkibit balikat nalang ako. "Whatever, libre mo naman e."

Pagka-abot sakin ni Cliff ng inorder niyang gelato ay agad ko itong nilantakan. Ice cream is such a happy pill! Kung pwede lang akong umubos ng isang gallon ay ginawa ko na.

"Hinay hinay lang Zandria." He said in a stern voice. Cliff Immanuel Gonzales is a close friend of mine. We've known each other since first year kaya naman kilalang kilala niya na ako, even to my weaknesses and strengths.

"Now spill." Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nagtitigan lang kami at hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Bumaling nalang ulit ako sa kinakain ko.

"Let me guess. Lovelife?" Ipinatong niya ang kanyang baba sa kanang kamay at para bang interesadong-interasado siya sa sasabihin ko.

Ang bilis naman nitong mahulaan! May pagka psychic ata ang isang to. Inirapan ko uli siya at humalakhak siya dahil sa reaksyon ko palang ay alam niyang tama na siya.

"Tigil-tigilan mo ako bangin a, baka magdilim ang paningin ko at mabasag ko sa pagmumukha mo itong sherbet glass na hawak ko."

Mas lalong lumakas ang halakhak niya dahilan para mapalingon sa amin ang iilang mga tao rito. Humilig siya sa upuan at saka humalukipkip habang mataman akong tinitignan. Hindi niya pa ginagalaw ang ice cream niya.

I noticed him staring at me with an amused expression and so I raised my brows at him. "Anong tingin yan?"

Umiling siya. "Ngayon lang kasi kita nakitang nagkakaganyan. Usually frustrated kalang sa studies mo. So who's the lucky guy?"

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon