Chapter 31

1.4K 52 14
                                    

Chapter 31

"Oh, ma'am bakit ngayon ka lang?" Tanong sa akin ni ate Rose nang papasukin niya ako sa unit. Pagkatapos naming magkausap ni Ricci ay pinauwi ko rin siya.

"Project." Nagkibit balikat ako at saka nilagpasan siya para makapagbihis.

"Nga po pala, magkaaway ba kayo ni sir Ricci?" Bumaling ako sa kanya dahil sa tanong niyang iyon.

"Bakit?" I asked.

"Kasi po kahapon bago umalis sila sir Kib, sinabi nila sa akin na pag pumunta si sir Ricci dito huwag ko raw muna papasukin kasi may atraso siya sayo. Kaya kanina nung nanggaling dito si ser, di ko pinapasok." Nanlaki ang mata ko dahil doon.

"Nagpunta siya rito?" Ang akala ko ay doon lang talaga siya nag-antay sa labas, umakyat pa pala siya dito.

"Opo ma'am, mga alas kwatro pa ata yun e. Naawa nga ako kay ser kasi may pasa pa siya. Tapos ma'am mga bandang alas syete lumabas ako para bumili nalang ng pagkain sa baba, nakita ko si ser nandyan parin sa tapat ng pinto ng unit mo. Naka salampak siya dun! Mukha siyang nakakaawa, pero gwapo parin!"

What the hell? He's been here since four. He waited for almost six hours? Or he left?

"May sinabi siya sayo?"

Umiling siya. "Wala maam, nung dumaan ako sa harap niya tinignan niya lang ako saka yumuko ulit." 

Gusto kong magalit kay ate Rosenda dahil hinayaan niyang ganoon lang ang sitwasyon ni Ricci pero hindi ko naman siya masisisi dahil sinunod lang niya ang utos nila Kib at kaya siguro siya sumunod rito dahil nakita niya na agad ang tensyon noong dumalaw palang sila Kib at umuwi ako ng basang-basa.

But then why didn't Ricci just texted me that he was waiting?

Silly, Elle. Hindi ka nga sumasagot hindi ba?  

Kinabukasan ay si Prince ang naghatid sa akin sa school. Mas lalo silang naghigpit dahil sa nangyari noong isang araw at hindi na nila hinahayaang mag-isa ako. They even threatened me that our friendship will be over kapag hindi ako sumunod. I just simply shrugged dahil hindi naman talaga ako natatakot pero wala lang talaga ako sa mood makipagtalo.

"Sorry about what my brother did." Aniya.

"It's fine. Naiintindihan ko naman." 

"He deserved the beating though. Especially for leaving you." Seryoso lang ang kanyang ekspresyon habang nakatuon ang atensyon sa pagda-drive.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Kaya ba may pasa si Ricci sa gilid ng labi kahapon? "Sinuntok mo siya?" 

Umiling siya. "Si Aljun. Kahapon sa Razon, hindi niya napigilan e. Ayun napagalitan kami ni coach. The training was exhausting. Mula alas sais hanggang alas tres ng hapon, non-stop. We only had water breaks. We didn't even got to eat lunch. Ang gago lang ni Jun, doon pa napiling mag-eskandalo. But I couldn't blame him, kahit ako ay gusto kong bugbugin ang kapatid ko."

"I'm sorry, napagod pa tuloy kayo ng dahil sa akin." 

Kakagaling lang ni Ricci sa training, pagkatapos ay dumiretso siya sa condo and waited until ten. Did he even ate lunch or dinner? Damn, I feel so guilty and I can't help but to blame myself. Pumapasok lang sa isip ko ang mga sinabi niya.

Pakiramdam ko tuloy, I am a pain in the ass. He's got a lot of responsibilities already, pagkatapos ay dumagdag pa ako. He has always been so understanding and patient with me, pinagbigyan maging ang mga kapritso at pagrereklamo. Pero ano ako? Acting lang a damn nine year old.

"Don't mind it please. Anyway, long weekend. We made plans, sa Batangas. you want to come?" Tanong niya.

"Kasama si Ricci?" I asked.

Started with a call | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon