01 -Dream

187 8 5
                                    

Dream

"From the top! Ayusin niyo naman! Neon sa unahan ka nga, kanina ko pa napapansin na hindi ka nakakasabay sa steps, hindi ka ba nag-practice ng mabuti?" galit na bulyaw sa'kin ni coach. Halos pumutok na ang ugat niya sa leeg dahil sa galit.

Nakayuko akong humahangos habang lumalapit sa unahan. "Pasensya po coach" mahina kong sabi. Nahihiya ako dahil sa hindi ko makuha ng maayos. Gayun din sa mga kasama ko na pagod na rin dahil sa paulit-ulit na pagkakamali ko.

"Anong sabi mo? Lakasan mo!"

"Pasensya po coach" malakas kong sabi. Nakita ko muli ang galit na mukha niya.

"Kirby!" tawag nito sa isa kong kaibigan na agad naman lumapit kay coach "Yes coach?" Humahangos pa ito dahil sa pagod.

"Sa susunod na buwan na ang final pick sainyo. Kapag walang nakitang improvement dito, tigilan niyo na ang pangarap niyo. Nagsasayang lang kayo ng oras dito." sabi pa nito bago umalis doon.

Malalim akong napabuntong hininga.

Naramdaman ko ang pag-tapik sa likod ko ni Hiro . Isa sa naging kaibigan ko at kagaya kong trainee rin. "Practice na lang tayo ulit."

Pilit akong ngumiti. "Saan ka ba nahihirapan Rai?" Tanong ni Kirby nang makalapit ito sa pwesto ko.

Pinakita ko agad sa kanya ang steps na medyo hindi ko nakukuha. Halos isang oras rin ang ginugol namin doon, buti nakuha ko rin at nakakasabay na sa kanila.

"Break muna tayo. Pwede ba Kirb?" tanong ng isa sa mga trainee na kasama namin.

"Sige, one hour break tapos balik ulit dito, baka mapagalitan ulit tayo." Sang-ayon ni Kirby. Siya kasi ang acting leader namin. Siya ang pinakamatagal na dito.

Nauna ng lumabas ang iba habang sabay naman kaming tatlo lumabas ng practice room.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Hiro habang inaayos ang cap niya. Napaisip naman ako.
Gusto ko sanang kumain ng masarap at marami sa labas kaso nga lang kaylangan namin mag-diet.

"Sa baba na lang tayo."

Bigla kaming napatigil nang makasalubong namin ang grupo nina Selena. Napalunok ako ng hindi sa oras nang magtama ang mata namin. Shit ang ganda niya talaga!

Agad akong napahawak sa batok dahil sa hiya. Naramdaman ko rin ang palihim na pagsiko ni Hiro sa braso ko. Alam nilang dalawa na crush ko si Selena.

She's a Filipino-Canadian, sobrang ganda at sobrang bait rin, sa tuwing nakakasalubong ko sa hallway, lagi siyang ngumingiti sa'kin. Bukod kay Lory siya ang kinahuhumalingan ng mga trainee dito. Iyon nga lang ay bawal sa amin ang mag jowa muna. İsa sa rules iyon.

Nasa iisang agency lang kami. Ngunit hiwalay ang babae at lalaki kapag may practice.

"Rai! Break niyo rin ba?" A tall latina girl went to me.
Parehong gumilid si Hiro at Kirby nang biglang umakbay sa akin si Lory. Lory and I are schoolmates, nakasabay at nakasama ko siya sa pag-audition dito noon.

Pareho kaming natanggap at lagi ko rin nakakasabay sa pag-eensayo kaya naging malapit na rin kami. Medyo makulit at maingay nga lang ito kaya medyo nakakapagod kasama, pero sulit naman dahil minsan nakakalimutan ko rin ang pressure na nararamdaman ko dahil nawiwili ako kasama siya.

"Oo, kayo rin?"
Tumango ito at hinila na ako paalis.

"Lory hintayin mo naman kami" tawag sa kanya ng kaibigan niya.

"Bilisan niyo!"

Hinayaan ko na lang na hilahin ako ni Lory kung saan niya ako dadalhin. Tahimik lang ring nakasunod lang ang mga kaibigan namin.

Reaching the starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon