03- Third meeting

94 7 0
                                    

Third Meeting

"We love you, starlight!"

"Neon I love you!" kumaway ako sa fans na sumigaw dahilan para mas lalong mag-ingay ang mga ito.

It was our first big concert in Araneta. Halos hindi pa rin ako makapaniwala, two years after our debut we already made a name. Halos kasabay na namin sa kasikatan ang dati naming iniidolo noon.

Pero lagi rin sinasabi sa'kin ni lola na kahit tumatamasa ako ng kasikatan ngayon, dapat huwag kakalimutan na laging sa lupa lang ang mga paa. At iyon ang lagi kong binabaon. This popularity is only temporary.

"Hi Neon" bati sa'kin ng batang dalaga. She's wearing a headband with my face. Ngumiti ako dito. Kakatapos pa lang ng concert namin. May meet and greet pagkatapos. Para makalapit at makausap namin ang fans.

"Hi, salamat sa pagpunta." nakangiti kong kinuha ang album na dala niya para mag-pirma. Tinanong ko muna ang pangalan niya.

"I love you Neon! May exam kami bukas, pumunta talaga ako rito para ma-motivate pa lalo." bahagya akong napangiti sa kanya.

"Good luck sa exam kung ganun. Huwag masyadong ma-pressure ha." nagsulat ako ng konting letter para sa kanya, para mamotivate pa siya sa pag-aaral. Nagpasalamat ito bago lumipat kay Jaeki.

Halos tumalon ako sa kama ko nang makauwi kami ng bahay kung saan kami madalas mag-sama kapag may trabaho kami. Sobrang nakakapagod ang buwan na ito. Tahimik akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko. Iniisip kong makakauwi ba ako ng La Union para bisitahin si lola. Ilang buwan na rin akong hindi nakakabisita.

"Good morning." Bungad sa akin ni Jaeki na kumakain ng almusal. Nahagip ko ang mukha ko sa malaking salamin sa may sala. Medyo kalat pa dahil kakabangon ko pa lamang.

"morning"

Inayos ko muna ang kalat kong buhok bago lumapit kay Kirby na abala sa pagtimpla ng kape.

"Gusto mo?' alok nito. Tumango ako habang kumukuha ng toasted bread sa plato ni Jaeki na hindi naman nagreklamo.

"anong oras ba tayo mamaya?" tanong ko kay Kirby. Naupo na ito sa tabi ko.

"Six pm"

Hindi pa nga kami nakakapagpahinga ay lalabas na naman kami. Kung pwede lang na huwag sumipot sa party na hinanda para sa amin ng CEO ay hindi talaga ako pupunta.

"Cheers for the successful concert, Everyone." sigaw ng CEO. He's in his fifties pero parang bata pa ang hitsura.

Niyakap kami nito isa-isa at binati. I awkwardly hugged him back. He smiled at me and tapped my shoulders. Medyo nailang ako dahil kahawig nito ang anak niya. Sobrang matured nga lang ang mukha nito. Pero mas mabait ang mukha nito kaysa sa anak niyang parang pinaglihi siguro sa dragon.

After our rough meeting, I never seen that person again. Balita ko sa ibang bansa iyon nanatili sa ilang buwan at umuuwi lang kapag may importanteng gagawin dito. Naririnig ko palagi ang pangalan niya sa opisina o kaya sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit curious sila sa buhay ng taong 'yun.

Kahit na si Selena ay naging mailap na rin sa akin. I don't know what relationship she had with that person. O kung sila ba. Hinayaan ko na lang rin dahil ayaw ko rin ng gulo. I know my limits. Baka makaapekto pa ito sa trabaho ko. Iyon ang ayaw ko mangyari.

Lumapit rin sa amin ang ibang staff at binati kami. Maliit na party lang naman para sa lahat. Lumapit sa akin si Yohan at Rafael. Inabot ni Yohan ang wine glass at sabay-sabay kaming humiyaw. Para bang hindi mga pagod. Natatawa akong tumingin sa mga kasama na nakikipagkantahan sa mga staff at producer namin. May narinig pa akong pustahan, makikisali sana ako kaso biglang tumunog ang cellphone ko. Nagpaalam muna ako na lalabas para sagutin ang tawag ni lola.

Reaching the starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon